Rina ito iyong tikman!"alok sa akin ni linda
Tinanggap ko naman ang ibinigay niya mahaba ito at naka balot ito sa dahon nang saging binalatan ko na at sinimulang kainin,tango-tango naman ako habang ngumunguya inferness masarap siya..
Ano pangalan nitong kakaning to?tanong ko sa kanila
Nakatingin lang silang tatlo sa akin yong tipong seryoso ka ba rina hindi mo alam ang pangalan niyan look ganon ang itsura nila ngayon..
Sumang kamoteng kahoy yan iha!"sagot sa akin ni manang
Oh so cassava pala to! ay este kamoteng kahoy hehehe sa subrang sarap po kasi nang gawa ni manang edna nang suman ay hindi mo mahahalata na gawa pala siya sa kamoteng kahoy at isa pa wala kasing tanim na kamoteng kahoy sa bayan namin kadalasan ay mais at saging ang itinatanim nang mga tao sa amin yan ang pangunahing produkto sa aming bayan!" sabi ko sa kanila sana maniwala sila sa pagsisinungaling ko,ayaw naman na magduda sila kung sasabihin kung hindi ko talaga alam ang pangalan nang kakaning ito..
Hayyys napapadalas ang pagsisinungaling ko dito imbes na magbabawas ako nang mga kasalanan ko parang nadagdagan na naman..
Ganon ba siya iha oh kumain ka pa!"sabi sa akin ni manang edna sabay bigay sa akin nang isa pang suman..
Salamat po!"pasalamat ko kay manang
Sila felina at linda naman ay abala din sa pagkain..
Maya ay natapos na kaming kumain ay nagpa-alam na kami kay manang edna,subra akong nabusog sa kinakain namin,bumili naman sila felina para kay manang mela..
Nagtungo naman kami sa tindahan nang mga rosaryo may ibat-ibang desinyo at kulay,pagkatapos namin magtingin-tingin sa tindahan nang mga rosaryo ay nagpunta naman kami sa tindahan nang mga pamaypay at panyo..
Tiningnan ko si felina abala ito sa pagbusisi sa isang kulay pulang pamaypay,at si linda naman ay abala din sa pagbusisi nang mga panyo,ako naman ay nagtingin-tingin din kahit hindi ko naman hilig ang mga bagay nato,..
Hindi parin sila tapos sa pagtingin-ngin sa loob nang tindahan kaya lumabas nalang ako,at nagmasid masid sa paligid,maya maya may nakita akong tatlong babae papasok sa tindahan sa itsura palang nang tatlo halata na sa kanila na mga mayayaman sila dahil naggagandahan ang mga suot nila may mga gintong alahas na nakasabit sa katawan nila,wala sa sarili napahawak ako sa kwentas ko...
Kung ibenta ko kaya to dito para may pera ako dito malaking halaga din tong kwentas ko, sa panahon ko nga millions na to eh, at pagkatapos kung ibenta aalis ako sa mansyon at bibili ako nang bahay dito at magshoshoping nang bongga why not diba!...
Napamahal na ako kila manang mela,felina,linda at señorito agustin urrrgh never mind...
At saka regalo sa akin ni mommy to,kahit nagtatampo at may kunting galit sa kanila mahalaga parin sa akin to dahil ito ang regalo na natanggap ko sa birthday ko na masasabi kong masaya ako dahil kumpleto kami nong time na yon..
Naputol ang pag-eemo ko nang makita ko na sila felina na lumabas sa tindahan kaso mukhang naiiyak siya,ano kayang nangyari sa kanila..
Nang makalapit na sila sa akin nakita kung tumulo ang luha niya at agad naman niyang pinunasan yon at ngumiti sa akin..
Tara rina andito kana pala sa labas!"sabi ni felina sa akin..
Oo lumabas na ako wala kasi akong magustohan doon!"sagot ko sa kanya
Anong nangyari saiyo?anong ko sa kanya
Naku!"pinagsalita-an na naman si felina nang hindi maganda ni señorita paolina at kanyang kasamang kaibigan,dahil gusto nitong bilhin ang naibiganng abaniko ni felina matagal nang nais bilhin ni felina ang abanikong iyon kanya pa yong pinag-iponan nang salapi para lamang mabili yon pero inagaw ni señorita paolina napakasama tala---- hindi na tapos ang sasabihin ni linda dahil lumabas na sa tindahan ang tatlong babae sa palagay koy ito ang siñorita na sinasabi nila,papalapit na ito sa amin..
Oh andito pa pala ang mga taga pagsilbi!"sabi nito na tumawa pa at ang mga friends
Walang kayong karapatanng bumili nang mga kagamitang katulad nito!"sabay angat nang pulang pamaypay dahil isa lamang kayong hamak na alipin naiintindihan ninyo!"sabi nito na isa-isa pang tiningnan sina felina at linda.na nakayuko na ngayon..
Aba over sa ka kamalditahan din tong babaeng to, maldita ako pero hindi ko naman pinagbawalang bumili ang mga maids namin sa bahay nang mga gamit na gusto nila,..
Nakatingin na sa akin ngayon si paolina,tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa,nakataas pa ang kilay nito..
Tinaasan ko din siya nang kilay binigyan ko siya nang don't -try-me-b***h-look.
ngayon ko lang sila natinginan nang malapitan my gosh kung makapagtaray si ate mo girl akala mo my beauty god beast pala ang bruha pati mga friends niya bagay talaga sila mag kaibigan walang lamangan hahahhaha hindi mapigilang matawa,.hindi pa ba uso ang retoke in this era..
Yaman lang talaga meron sila hhahahaa as if naman yayaman pa sa akin ang mga to sa future duhh tsss..
Ano ang iyong tinawa-tawa!"tanong niya sa akin
Nothing!just your ugly face b***h!"arting sagot ko sa kanya
Nagsalubong naman ang kanilang mga kilay!ano ang iyong turan?
Wala!siñorita!"tunog sarcastic kung sabi
Kakaiba ang kanyang pananalita siguro ay nasisiraan na nang bait ang aliping iyan!"sabi nong isang kaibigan ni paolina
What!anong sabi niya na mababaliw na ako!..
What did you say?tanong ko sa kanya
Gulat naman sila sa sinabi ko pati sila felina..
Ang ibig kung sabihin ano naman sayo kung isa lamang akong taga pagsilbi ha!..
Ha ang lakas nang iyong loob na sagotin ako nang ganyan isa ka lamang alipin!"
Sasagot pa sana ako!kaso pinigilan ako ni felina..
Rina tara na wag munang patulan si siñorita!"
Siñorita pagpaumanhin ninyo ang aming inasal!"sabi ni felina na yumuko pa
Dapat lang! na marunong kayong gumalang sa tulad naming mayayaman na intindihan ninyo mga hampas lupa?
Tara linda,rina baka baka tapos na si manang baka tayong hinahanap na niya..
Sumunod naman si linda kay felina bago ako sumunod sa kanila ay tiningnan ko muna ang tatlo,masama parin ang tingin sa akin ni paolina as if i care!"wag talaga niya ako tarayan sa susunod dahil hindi ko siya uurungan uuwing iiyak talaga siya sa akin...