Gabi na sa resort na iyon. May beach party sa tabi ng dagat. May ilaw na nakasabit sa mga palm tree. May tugtugan at tawanan ng mga turista. Ang iba nakayapak sa buhangin habang sumasayaw. Habang ang iba naman nakaupo sa mga table na nag-iinuman at nagkakantahan. Kasama ni Alorna ang ilang kakilala niyang babae na nakilala niya rin sa resort. Nagkuwentuhan sila habang umiinom ng juice. Pilit niyang ini-enjoy ang gabi. Pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang eksenang nakita kanina kay Valerian. 'Argh! Bakit ba ako naiinis sa mga babaeng nagpapapansin sa kanya? Ano ba’ng pakialam ko? Bahala siya sa buhay niya! Panira lang siya ng araw ko!' “Alorna, halika sumayaw tayo!” yaya ng isa. Bago pa siya makatanggi biglang napalingon ang lahat nang dumating si Valerian. Nakaputing polo ulit it

