Gallery Opening Hindi na sana siya pupunta. Ilang araw na niyang tinitimbang kung tama ba ang ideya. Kung may saysay ba ang muling pagpapakita sa harap ni Alorna. Pero nang marinig niya mula sa isang kaibigang art dealer na magbubukas ng bagong exhibit si Grace, at tiyak na kasama si Alorna, parang hindi na niya kayang magpigil. Nang gabing iyon, pormal ang suot niya.. Itim na suit, walang tie, ngunit maingat ang bawat detalye. Gusto niyang magmukhang hindi nag-effort, kahit alam niyang bawat hibla ng buhok at tikwas ng coat ay pinag-isipan niya. Pagpasok sa gallery, sinalubong siya ng malamig ngunit eleganteng liwanag mula sa mga spotlight na nakatutok sa mga obra. May mga piling tao, nakaayos at naka-inom ng wine, nakikipag-usap nang mahinhin. Lumingon siya sa bawat direksyon, pilit n

