Tahimik ang condo ni Valerian sa gabi, pero sa loob ng kanyang opisina, parang may bagyong nagngangalit sa dibdib niya. Nakaupo siya sa leather chair, tablet sa harap, at ang cellphone niya ay naka-on sa feed ni Alorna. Hindi niya inaasahan, pero nakia niya ang post online ng dating asawang si Alorna: magkahawak kamay si Alorna at si Jefferson, parehong nakangiti, may caption na.... “Sometimes, love finds you when you least expect it. ❤️ #forever #newbeginnings.” Valerian’s brown eyes narrowed, nag-glimmer ang intensity. Ramdam niya ang selos, galit, at isang kakaibang obsesyon. Ang kanyang mga kamay ay kumuyom sa tablet, halos mapilas ang screen. "Hindi pwedeng ganito… hindi pwedeng nakangiti siya sa iba," bulong niya sa sarili, parang nag-uusap sa isang anino. Nagpatuloy siyang tini

