Mabilis lumipas ang isang linggo mula sa charity event. Sa loob ng pitong araw na iyon, isang bagay lang ang napansin ni Alorna na tahimik si Valerian. Walang text. Walang tawag. Walang biglang pagsulpot sa opisina o sa bahay niya. Walang pagnanakaw ng halik. Walang matalim na titig mula sa sulok. Bigla itong naglaho na parang bula. At kung iisipin niya ng mabuti dapat matutuwa siya. 'Yes... yes. Dapat maging masaya ako dahil wala ng baliw na lalaking sinisira ang araw ko. Masaya dapat ako kasi walang Valerian na gumulo at sumira ng araw ko sa loob ng isang linggo pero bakit ganito? Bakit parang hindi ako masaya?' Dapat ay maaliwalas ang araw niya dahil wala na ang presensyang laging gumugulo sa kanya. Pero bakit habang nakaupo siya ngayon sa terrace hawak ang tasa ng kape ay para

