28

1634 Words

Umaga na at pumapasok na sa malalaking bintana ng condo ni Alorna ang liwanag mula sa labas. Ngunit sa loob ng silid ay tila may mabigat na ulap na nakadagan sa kanya. Nakatihaya siya sa kama, nakatitig sa kisame at walang gaanong galaw. Nasa tabi niya ang cellphone at ilang beses ng umilaw dahil sa notifications pero ni isa hindi niya pinansin. Wala siyang maayos na tulog kagabi. Paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang eksena sa loob ng sasakyan niya. Kung paano siya hinalikan ni Valerian, kung paano siya hinila papasok sa kotse at kung paano siya kinain nito. Napakagat siya ng labi at halos mapaluha sa inis sa sarili. 'Bakit ba ang rupok ko at ang tanga pagdating sa lalaking iyon? Kaunting kiss lang, wala na.' Nagising siya mula sa pag-iisip nang tumunog ang doorbell. Mabilis siyang n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD