Sumunod na araw, tahimik ang buong floor ng executive office ng Denver’s Speed Corporation. Sanay si Valerian na walang istorbo habang nakatutok siya sa mga reports at contracts. Kaya naman nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya na parang pagmamay-ari ng kung sino ay agad siyang napaangat ng tingin. “Valerian.” Isang babaeng naka-fitted cream dress, may designer bag at naka-stiletto heels ang pumasok. Confident ang bawat lakad na para bang nasa runway kahit ordinaryong araw lang. Halos nakalimutan na ni Valerian na nag-e-exist pa ito. Anak ng isa sa pinakamalaking investors ng kumpanya nila at ngayon base sa hawak nitong documents ay siya na mismo ang papalit sa ama niya. Nagtagal ang tingin ni Valerian sa kanya tapos nagbuntong-hininga. “So, it’s true. You’re back.” Ngumiti

