6

713 Words
Nakaupo si Alorna sa malawak na sala ng kanyang bahay habang hawak-hawak pa rin ang sulat na kanina lang ay iniabot sa kanya sa event. Pamilyar ang sulat-kamay. Pamilyar ang tono ng mga salita. Lumabi siya habang iniisip kung sino ang nagbigay ng sulat na iyon sa kanya. Bumuntong hininga siya bago binuksan ang sobre para basahin ang nakasulat doon. 'Alam kong matagal na tayong hindi nagkikita, pero hindi ko kayang palampasin ang pagkakataong ito. Kung may espasyo pa sa buhay mo para sa isang taong handang mag-alaga at hindi sasayangin ang oras mo, sana hayaan mong ako iyon.' -Jefferson Napapikit siya. Hindi ito bago. Si Jefferson ang matalik niyang kaibigan noong kolehiyo na minsang nagbiro pero halatang seryoso.. “Pag nag-fail love life mo, ako na bahala.” Noon, natatawa lang siya. Ngayon, hindi na siya sigurado kung biro pa ba iyon. "Naaalala pa rin pala niya ako. Akala ko nakalimutan na niya ako. Ang tagal na rin naming hindi nagkikita," wika ni Alorna sa sarili habang nakatingin sa sulat. Dumating si Grace na bitbit ang dalawang cup ng milk tea. “Uy, mukha ka na namang may iniisip na mabigat. Hindi bagay sa magandang mukha mo ‘yan," sabi ng pinsan niya sabay tawa. Umupo ito sa tapat niya at walang paalam na inagaw ang sulat para basahin. “Si Jefferson? Aba, may re-entry! Akala ko sa teleserye lang may ganito! May balik na third party.” “Hindi siya third party,” mariing sagot ni Alorna. Umarko ang kilay ni Grace. Hindi naman kasi kilala ni Grace si Jefferson dahil hindi naman niya nababanggit. At isa pa madalas kasi siyang busy noon kaya wala siyang masyadong nakukuwento sa pinsan niya. “Kaibigan ko siya," dagdag pa niyang sabi dahil nakikita niyang hindi naniniwala si Grace sa sinabi niya. “Kaibigan na willing maging more than kaibigan,” sagot ni Grace habang sumisimsim ng milk tea. “Pero hindi ‘yan ang point. Alam mo ba kung anong mas dangerous kaysa sa bago? Yung pamilyar. Kasi doon ka mas mabilis bumigay," dagdag pang sabi ni Grace. Napailing si Alorna. “Grace, wala naman akong balak maging marupok. Alam kong mali kung gagamitin ko si Jefferson para lang… makalimutan si Valerian.” Tumigil si Grace sa pagsipsip ng straw at tinitigan siya. “Good. Kasi kahit gaano pa kagwapo, katalino, kayaman si Valerian, wala siyang karapatang saktan ka ulit. Once marupok, always talo.” Bahagyang ngumiti si Alorna pero sa loob-loob niya, hindi niya maitago ang katotohanan. Namimiss pa rin niya si Valerian. At iyon ang kinatatakutan niya. Mahal na mahal niya si Valerian. Hindi naman niya ikinakahiya iyon. At kahit na sinaktan siya ni Valerian, hindi niya magawang alisin na lang basta sa puso ang dati niyang asawa. Pero kahit na ganoon, sarili na niya ang pinili niya. Dahil napagod na rin siyang mahalin ang dating asawa. Tumayo si Grace para ayusin ang buhok niya sa salamin, pero bago ito makapagsalita muli, tumunog ang phone ni Alorna. Unknown number. Nagdalawang-isip siya bago sinagot. “Hello?” At sa kabilang linya, ang boses na ilang buwan niyang pilit kinalimutan. “Alorna… we need to talk.” Hindi siya sumagot agad. “Please,” dagdag pa ng pamilyar na boses. Humigpit ang hawak niya sa cellphone. “No, Valerian. Tapos na tayo.” At ibinaba niya ang tawag. LATE THAT NIGHT… Valerian nakaupo mag-isa sa study ng kanyang mansyon. Tahimik. Sa harap niya, nakakalat ang ilang lumang larawan nila ni Alorna. Sa mga event, sa mga gala, minsang nakangiti, minsang seryoso. Wala man siyang halatang lambing noon, ngayon iba ang dating. Isa-isa niyang hinawakan ang mga ito. May hindi maipaliwanag na kirot. Hindi niya maintindihan kung bakit ngayon pa nang wala na siya. “Siguro… isang beses lang,” mahina niyang bulong. “Para makausap ko siya.” Kinuyom ni Valerian ang kamao. Nagtataka siya sa nangyayari sa kanya. Noong una, iyon naman talaga ang gusto niya. Ang mawala sa buhay niya si Alorna. Ang makalaya sa kulangan ng kasal nila. Pero bakit tila nag-iba ang takbo ng mundo niya? Bakit hinahanap niya ang dapat sana'y hindi niya hinahanap? "Bullshït!" mahina niyang sabi bago kumuha ng alak at nagsalin sa kanyang baso. Tumiim ang kanyang bagang bago niya inubos ang alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD