Pagkatapos ng nangyari sa bar, halos hindi alam ni Valerian kung paano siya nakauwi. Mabigat ang dibdib niya. Puno ng sama ng loob at dama pa rin niya ang init ng palad niya mula sa pagkakasakal kay Sanya. Galit na galit siya pero sa ilalim ng lahat ng iyon ay mas nangingibabaw ang lungkot. Hindi niya inasahan na ganoon kabilis magwawakas ang tiwalang ibinalik ni Alorna. Pagdating sa loob ng bahay, wala siyang ginawa kun'di ibagsak sa mesa ang susi ng kotse at diretso siyang naupo sa sofa. Iyon na lang ang nag-iisang kasangga niya sa gabing iyon. Ang katahimikan ng apat na sulok ng bahay na tila ba nakikiayon sa bigat ng kanyang nararamdaman. Kinuha niya ang cellphone at ilang sandali pa’y napindot niya ang pangalan ng kaibigan niyang si Marcus. Alam niyang may matino itong sasabihin ka

