bc

Loving A Stranger

book_age12+
2.0K
FOLLOW
12.4K
READ
playboy
badboy
goodgirl
bxg
like
intro-logo
Blurb

KAHIT sa panaginip ay hindi sumagi sa isip ni Aya na may demigod na babagsak sa abang tahanan nila. Ngunit iyon ang nangyari nang biglang sumulpot sa apartment complex ng pamilya niya si Brett Hart Valencia. Literal na bumagsak ito dahil ipinatapon ito ng lolo nito sa lugar nila upang turuan ng leksiyon.

Ang masama, siya ang puwersahang naatasang gabayan ito. She was tasked to make him humane. Pero paano naman niya gagawin iyon kung sa tuwina na lamang ay laging nag-iinit ang ulo niya sa mga pang-iinis nito? Ang nakakairita ay kasama yata sa paraan nito ng pang-iinis ay ang pang-aakit nito at pagnanakaw ng halik tuwing may pagkakataon ito.

Hanggang sa nangyari ang ayaw niyang mangyari - she fell in love with him. Alam niya na walang kahahantungan iyon. Afterall, kasama lamang niya ito dahil pinaparusahan ito ng lolo nito. One day, he will surely go back to his old life as the co-heir of a multi-million company, in a place where she will never reach him even in her wildest dreams.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
TILA BINIBIYAK ang ulo ni Brett nang maalipungatan siya sa sunod-sunod na tunog ng doorbell. Masakit ang ulo niya dahil sa hangover mula sa party na pinuntahan niya kagabi. Madaling araw na rin siya nakauwi at sa labis na kalasingan ay hindi na nga niya halos matandaan kung ano ang mga nangyari kinagabihan. Hindi rin niya matandaan kung paano siya nakauwi ng buhay sa unit niya sa isa sa mga pinakamahal na condomium building sa Makati. Basta ang gusto lang niya ay humilata sa water bed niya buong maghapon.           Ngunit sadyang makulit ang kung sino mang nasa labas ng pintuan niya dahil hindi pa rin iyon tumitigil sa pagdodoorbell. Pabilis iyon ng pabilis at kulang na lang yata ay gibain ang pinto niya. He groaned. Inis na bumangon siya at marahas na ginulo ang buhok sa labis na iritasyon. Pababa na siya sa kama nang makita niyang nakakalat ang mga damit niya sa sahig. Napatingin siya sa sarili niya. Wala siyang suot na kahit na ano. Kung tutuusin ay wala namang kaso iyon sa kaniya. Sanay siyang matulog nang nakahubad.           Pero ang nakapagpakunot ng noo niya ay ang piraso ng mga damit ng babae na kahalo ng sa kaniya. Nang may gumalaw sa kama niya ay napalingon siya. Just as he thought, there was a n***d woman sleeping on his bed. At hindi lamang ito basta babae. Kilala niya ito. O mas tamang sabihing nakilala niya ito kagabi dahil lantaran siya nitong inaakit. Sa pagkakaalam niya ay anak ito ng isang kilalang politiko.           Paanong nauwi sila sa ganoong sitwasyon at nasa kama pa niya? Siya, na kahit kailan ay hindi nagpapasok ng babae sa unit niya? And based on the mess they left behind, he was sure they had wild s*x last night.           Ang malabong mga alaalang pilit niyang tinatandaan at ang ingay ng kung sino mang nagdo-doorbell ay labis na nagpapasakit ng ulo niya at nakakapagpaubos ng pasensya niya. And he has little patience so to speak. “Damnit!” asar na sigaw niya na mukhang nagpagising sa babae dahil kumilos ito mula sa pagkakahinga nito.           Hindi na niya ito pinansin at mabilis na humatak ng roba. Iritable pa ring isinuot niya iyon at basta na lamang iyong itinali.           “Who was that?” inaantok pang tanong ng babae.           “How the hell would I know?!” asar na sagot niya at binalingan ito. “And you, how in hell did you end up on my bed?!” sigaw niya rito.           Mukhang nagising na ito sa lakas ng boses niya at bumangon. Mukhang hindi ito nababahala sa kahubdan nito. “Do I really have to answer that question? We are both drunk and horny and started making out and – “I get it!” pigil niya rito. Nahilamos niya ng palad ang mukha. “Damnit, just fix yourself and get the hell out of my house,” asik niya rito at lumabas na ng silid upang magtungo sa pinto. Narinig pa niya ang pagpoprotesta nito pero hindi na niya ito pinansin. Nang makalapit siya sa pinto ay hindi na niya inabala pang sumilip sa peephole sa sobrang iritasyon niya sa tunog ng doorbell. Handa na niyang bulyawan ang taong sumira sa tulog niya nang bumara sa lalamunan niya ang boses niya pagkakita sa taong kanina pa naghihintay sa labas ng pinto niya. “Grandpa?!” gulat na nabulalas niya nang makahuma siya sa pagkakita niya sa lolo niyang si Melchor Valencia. Namumula ang mukha nito at salubong ang kilay sa halatang pinipigil na galit. Likas na mabait ang lolo niya. Kaya tuwing nakikita niyang ganoon kadilim ang mukha nito, he knew he was in trouble. Patunay niyon ang namumutla at nag-aalalang mukha ng kaniyang ina na nasa likuran ng lolo niya. Pero sigurado siya na hindi para sa kaniya ang pag-aalalang iyon kung hindi para sa lolo niya. Afterall, nabubuhay yata ang kaniyang ina at maging ang kaniyang ama at iba pa nilang kamag-anak para paluguran at magpalakas sa lolo niya. Hindi kasi biro ang yaman ng lolo niya. “Anong kalokohan na naman ang ginawa mo Brett Hart Valencia!” malakas na sigaw sa kaniya ng lolo niya na nakapagpaatras sa kaniya. “What did I do?” nakangiwing tanong niya. Mabilis na pumasok ang mga ito sa unit niya at nagpalakad-lakad sa sala niya. Pagkatapos ay humarap ito sa kaniya at hinagis sa center table niya ang diyaryong hindi niya napansing hawak pala nito. “Nasa balita ka na namang bata ka! Worst, they actually caught you on the act with a politician’s daughter! Gusto mo ba na mamatay ng maaga ha?! O gusto mong ako ang mamatay sa atake sa puso sa ginagawa mo?” sigaw nito. Sa sinabi nito ay naalala niya ang babaeng kasalukuyang nasa silid pa rin niya. Lalo siyang napangiwi. Siguradong naririnig sa kuwarto niya ang boses ng lolo niya. Nahiling lang niya na sana ay marunong makisama ang babae at huwag lumabas ng silid niya. Kung may tao kasi siyang ayaw magalit ay iyon ang lolo niya. After all, he owes his luxurious life to him. Dahil dito kaya mayroong Valencia Furnitures, ang pinakamalaking kumpanya sa pilipinas na gumagawa at nageexport ng mga furnitures. Dahil sa kumpanyang iyon, sa buong buhay niya hindi niya naranasang maghirap. Bilang pangalawa sa pinakamatanda sa mga apo nito ay siya rin ang sumunod na may pinakamalaking shares sa kumpanya. Hindi pa man iyon pormal na napapasakanya dahil ayon dito ay hindi pa siya handa para doon ay sobra-sobra na ang malaking allowance niya mula rito para mabuhay siya nang hindi nagtatrabaho. At iyon ang mismong ginagawa niya. Kahit kailan ay hindi pa siya nagtrabaho. Bakit niya pa gagawin iyon kung may pera naman siya? Kaya rin niyang makuha ang lahat ng gusto niya sa isang pitik lang ng mga daliri niya. Ang sabi nga ng mga nakakakilala sa kaniya, he was born to be a prince. And that’s how exactly he lives his life. “Lolo that is just a misunderstanding,” subok niya sa pagpapalusot. Pero mukhang wala yata talaga siyang swerte sa araw na iyon dahil biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at lumabas ang babae na nakabihis na pero basa pa ang buhok. “Oh, are you talking about me?” The b***h has the nerve to smile. Nakita niyang nanlaki ang mga mata ng lolo niya at ang kaniyang ina naman ay napasinghap at mabilis na lumapit sa lolo niya upang marahil ay alalayan ito kung sakali ngang atakehin ito sa puso. “That’s it Brett! Inuubos mo talaga ang pasensya ko! Dapat sa iyo turuan ng leksiyon! You will really see it!” bulyaw ng lolo niya. At kung gaano ito kabilis na dumating ay ganoon ito kabilis na lumabas ng unit niya. “We need to talk hijo. Ginalit mo na talaga ng husto ang lolo mo. This will not do you any good lalo pa at pormal na niyang ibinigay ang leadership ng kumpanya sa pinsan mo,” pormal na sabi ng kaniyang ina. There was a look of disappointment in her eyes before she followed his grandfather.  Ganoon na siya nito tingnan mula nang hindi natupad ang pangarap nito at ng kaniyang ama na siya ang maging tagapagmana ng presidential position ng Valencia Furnitures at mapunta iyon sa pinsan niyang si Damon na hindi naman lumaki sa piling ng pamilya Valencia. His parents thought he was a failure for not being able to get the majority of his grandfather’s assets, as if what they already have is not yet enough for them. Seriously, it pisses him off. “Well, well, I think you are in trouble playboy,” untag sa kaniya ng babaeng palapit na sa kaniya. Marahas niya itong nilingon at pinaningkitan ng mga mata. “Whose fault do you think this is b***h? I could not even remember what happened between us. Damn I don’t even remember your name!” Umangat ang kilay nito. “Kung ibang babae lang ako malamang nasaktan na ako sa sinabi mo,” sabi nito at pinulot ang diyaryo. “My, my, this is a nice shot don’t you think?” nakangiting tanong nito sa kaniya. Hinarap nito ang tinitingnan nito. Napamura siya nang makita ang malaking larawan nilang dalawa habang naghahalikan sa dance floor. Sa headline ay nakasulat pa in bold letters ang pangalan niya at ng babae. Nina Arroyo. Iyon ang pangalan nito. “Well, I should go na. I need to explain to my father about this article bago siya gumawa ng drastic move on you. And oh, don’t worry, the truth is, you were so dead drunk last night and I was the one who initiated to kiss you. Ako rin ang nagdala sa iyo sa unit mo at kusang pumasok. You were so hot last night I want to have you and I was right. You were the best even while drunk. Till next time Brett,” sabi nitong lumayas na rin pagkatapos siyang bigyan ng malagkit na tingin at flying kiss. Naiwan siya roong mukhang tanga at gigil na gigil. “There will be no next time. Damnit!” sigaw niya. Pero kung akala niya iyon na ang pinakanakakabuwisit na araw sa buong buhay niya, he later realized that he was dead wrong.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.6K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.5K
bc

NINONG II

read
618.7K
bc

Unexpected Romance

read
38.3K
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.2K
bc

YOU'RE MINE

read
893.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook