Chapter 70 Cataleen’s Pov TAPOS NA kami mamalengke kanina ni Claw. Nandito na kami sa kumpanya ni sir Hadeon para sunduin ang asawa ko na nagpa iwan rito. Panay pa ang kain ni Claw sa ice cream niyang hawak na binili ko. Nagpalibre sa akin dahil wala daw siyang pera at naiinggit daw siya sa batang binilhan ng ice cream kanina. Para siyang bata na pumili kanina pero tinawag ako para bayaran ang napili niya. Pasaway! Kung sino talaga ang magiging babae nito ay magkakaroon agad siya ng anak. Isip bata kasi si Claw. Ang hilig pang sumagap ng tsismis. Ang laki-laki ng katawan pero tsismoso pala. Nasa loob kami ng elevator at hinihintay lang na bumukas ito. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa floor kung nasaan ang opisina ni sir Hadeon. Bumukas ang pintuan ng elevator kaya agad ka

