Chapter 69 Cataleen’s Pov NGAYONG araw ay lumabas ako ng bahay dahil balak kong mamalengke. Ang walanghiyang Claw kasi ay hindi pala siya bumili ng mga gulay nong inutusan ko siya. Hindi talaga siya nakikinig sa mga utos ko. Kasama ko kanina ang asawa ko pero hinatid namin siya sa kumpanya ni sir Hadeon. Kaya kami ni Claw ang magkasama ngayong araw na ito. Ayaw pa nga niya akong samahan bumili ng gulay dahil baka daw may mangyari na naman sa kanya. Mukhang natakot na siya na baka may gawin na naman akong kalokohan. Nangako na nga ako sa kanya na mag be-behave na ako at hindi na siya muling ipapahamak. Nagmamaneho si Claw habang ako ay nakaupo dito sa backseat. Katabi ko kasi kanina ang asawa ko. Balak ko sanang lumipat sa passenger seat para hindi naman kawawa si Claw pero pinagbanta

