Chapter 27 Cataleen’s Pov KANINA PA ako nakatulala dito sa kusina at hindi ko malaman ang dahilan kung bakit ako nakatulala. Ewan ko ba, iniisip ko pa rin ang babaeng may gusto kay Remus. Hindi na talaga mawala sa isipan ko ang sinabi ni Claw. Nagtataka kasi ako dahil allergic si Remus sa mga babae. Ang sabi ay perfect na daw ang babae. Pero bakit hindi nagustuhan yun ni Remus? Bakit kailangan pang maghanap ni sir Hadeon ng mapapangasawa ni Remus kung may babae naman palang nagkakagusto sa kanya. Medyo magulo sila ha! Nagtataka tuloy ako kay Remus. Eh bakit sa akin nakikipag bangayan siya. Pinisil pa nga ang palad ko dahil sa inis niya. Pero bakit ganun, hindi naman niya ako nilayuan. Pinapansin naman niya ako minsan pero yun nga lang para kaming aso’t pusa. Bumuntong hininga ako h

