Chapter 28 Cataleen’s Pov HINDI ko talaga makalimutan ang pang aasar ni Remus sa dibdib ko. Panay tuloy ang tingin ko sa salamin habang tinitignan ang dibdib ko. Nakasuot lang ako ng spaghetti na kulay white. Nandito lang naman ako sa kwarto ko kaya pwede akong magsuot ng ganito. Wala namang makakita sa katawan kong payat. Panay lang ang pisil ko sa ibaba kong dibdib para lang lumaki kahit papano. Paano ba kasi magpalaki ng dibdib. Hindi ko afford yung ginagawa ng mga artista eh. Kahit naman siguro may pera ako ay hindi ko pa rin naman gagawin. Nakakatakot kaya magpalaki ng dibdib. Baka pumalpak pa at pagsisihan ko pa sa huli. Eh ‘di pinagtawanan pa ako ni Remus the devil pag nagkataon. Napabuntong hininga ako dahil kahit anong gawin ko ay hindi talaga lumalaki ang dede ko. Talagang

