Chapter 116 Cataleen’s Pov NANDITO kami ni Remus sa hospital para magpa check up. One week talagang hindi sumulpot ang regla ko kaya wala na talaga akong pag-asa na magkaroon. Tinanggap ko nalang talaga na magiging mommy na ako. Ang lakas magdasal ni Remus eh, kahit pa nga hindi ako sigurado kung nagdarasal ba talaga siya. Napagpasyahan na namin na magpa check up para makasigurado. Kanina pa ako tinatanong ng assistant yata ito ng OB gyne. Tinanong niya kung kailan ang last dalaw ko, sinagot ko rin dahil nililista niya. Tinimbang din niya ako at kinuhaan ng height. Pagkatapos no’n ay ang OB gyne na ang kumausap sa akin. Kasama ko pa si Remus sa loob. Nakikinig siya sa t’wing nagbibigay ng payo ang OB gyne ko. Babae ang doctor ko, hindi na ako magpupumilit na lalaki ang OB gyne ko a

