Chapter 115 Cataleen’s Pov NAKABUSANGOT ang mukha ko habang nandito sa sala. Paano ba naman ‘tong asawa ko ay tinawagan na agad si Thiel at pinapinta niya rito sa bahay. Ewan ko ba kung anong trip niya sa buhay. Malamang gusto niyang itanong kay Thiel kung buntis ba talaga ako eh hindi naman yata sakop ‘yun ni Thiel. Ob gyne ang kailangan naman eh. Pasaway talaga ‘to si Remus. Minsan yung utak niya hindi gumagana ng maayos. Kaharap ko ngayon si Thiel at halatang na stress din sa boss niya dahil kakamot kamot din siya sa kanyang ulo. Nakikinig lang siya sa boss niyang na pra-pranning. “Boss naman.. doctor po ako, hindi po ako manghuhula.” sagot ni Thiel matapos sabihin ni Remus na alamin kung buntis ba talaga ako. Matalim na tingin ang natanggap ni Thiel mula sa boss niya. “Alam

