Chapter 100 Cataleen’s Pov NAKATAYO ako sa mga lalaking nasa harapan ko. Na confirm ko na nasa underground na ako dahil nakaharap ko na ang ibang tauhan ni Remus. Marami pala sila dito, hindi lang anim kundi lagpas twenty na ka-tao. Ang pinaka namangha ako ay kung paano nila nagawa ang ganitong lugar. Pagpasok kasi sa tunnel ay may pintuan na aakalain ng mga tao na pader lang. Tanging sila lang ang nakakaalam kung saan bubuksan para makapasok dito sa underground na katulad lang ng pinasukan namin kanina nong papasok kami sa kagubatan. Namangha ako dahil sa kagubatan na nakikita ko. Sino ba namang hindi, eh kanina ko pa pinupuga ang isipan ko kung paano nila nagawa ang lahat. “These are my soldiers, wife. They guard and protect this underground facility of mine.” Sabi ni Remus kaya

