Chapter 99 Cataleen’s Pov HABANG magkahawak-kamay kaming naglalakad sa gitna ng masukal na kagubatan, hindi ko mapigilang mamangha. Ngayon lang ako nakarating dito. Pumasok agad sa isip ko na pwedeng-pwede pala akong itapon ni Remus sa lugar na ito. Kung napikon lang siya sa akin dati, baka rito na niya ako ni-salvage at inilibing nang walang nakakaalam. “Tanong ko lang, hubby...” basag ko sa katahimikan habang patuloy kami sa paglalakad. “What is it?” maikli niyang tugon nang hindi inaalis ang tingin sa dinadaanan namin. “Itong lugar na ’to... sa’yo ba lahat?” Tanong ko sa kanya. “Yes. Why?” tanong niya. “Wala naman. Gusto ko lang sabihin sa’yo na simula ngayon, magpapakabait na ako. Hinding-hindi na kita aawayin,” wika ko. Lumingon siya sa akin na may kunot ang noo. “Bakit mo n

