Chapter 34 Cataleen’s Pov NAKANGITI akong naglalakad papasok sa kotse na nakahanda na sa labas ng gate ni Remus. Pumayag siya na lumabas ako basta ipapahatid niya niya ako sa isa niyang tauhan. Si Raj sana ang gusto niyang maghatid sa akin pero agad akong tumanggi dahil hindi ko pa nakakalimutan ang sinabi niya sa akin. Hindi kami bati kaya ang pinili kong maghatid sa akin ay si Claw. Wala namang nagawa si Remus. Pinapili ko kasi siya kung papayag ba siya na ihatid ako ni Claw o mag co-commute ako. Ayaw naman niyang mag commute ako kaya wala siyang nagawa kundi ang pumayag sa gusto ko. Una kong sinugurado ay ang wallet ko kung saan nakalagay ang mga ID’s ko. Dinala ko din ang ATM card na binigay sa akin ni sir Hadeon dahil kailangan na kailangan ko ‘to. Nilagay ko din ang cellphone k

