Chapter 33 Cataleen’s Pov HINDI TALAGA maguhit ang mukha ko kahit sinong artist pa yan. Inis na inis ako sa ginawa ni Remus sa akin kanina do’n sa grocery. Hindi ko nga alam kung paano ko na kayang pakisamahan siya kahit pa nga umuusok na ang ilong ko sa inis. Wala akong imik habang nasa kotse kami kanina. Nang makarating din kami sa bahay ay nauna na din akong pumasok. Hinayaan ko siyang magbuhat ng mga pinamili niya. Siya lang talaga dahil pera naman niya ang pinagbayad niya at wala naman akong perang ginamit. Dapat sana ay bibili ako ng ibang pabango pero hindi ko na nagawa pa dahil nawala na ako sa mood. Nandito lang ako sa kwarto ko ngayon at panay ang hugas ko sa labi ko dito sa banyo. Namumula na nga ang labi ko dahil sa kakakuskos ko. “Bwisit ka talaga, Remus! Tubuan ka sana

