Chapter 65 Cataleen’s Pov HINDI ko inaasahan na sasayawan ako ni Remus kanina. In fairness ang sexy niya gumiling giling. Mukhang tumama ang sinabi ni sir Hadeon na marunong sumayaw si Remus. Kunwari lang talaga ako kanina na kadiri si Remus pero shit.. yung mata ko tuwang tuwa. Ang sexy niya tignan at kahit may abs siya ay kayang kaya niyang igalaw ang katawan niya. Pero syempre, hindi ako magpapahalata na kinikilig ako at nagugustuhan ko ang nakikita ko. Baka lumaki ang ulo niya at ulit ulitin niya ang sexy dance niyang ginawa. Baka bumukaka na talaga ako nito sa harapan niya kapag ganun ang ginawa niya. Panay ang tawa ko dahil kitang kita ko ang inis sa mukha ni Remus nang biglang sumulpot si Claw. Talagang hinuhukay na ni Claw ang libingan niya sa ginagawa niya. Galit na galit si

