Chapter 66 Cataleen’s Pov NAKARATING kami ni Remus sa isang mall. Excited akong bumaba ng kotse niya matapos niyang ipark ito. Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako ng pintuan dahil hindi naman ako reyna. At isa pa, may kamay naman ako at marunong naman akong magbukas ng pintuan. Bumaba na rin si Remus sa kotse at agad niya akong nilapitan. Gusto pa niyang hawakan ang kamay ko pero kunwari ko itong itinaas at nagkamot ng ulo. Ayaw kong mag holding hands kami at baka may makakita sa amin dito. Yung iba kasing ka work ni ate sa trabaho ay kilala ako. Hindi ko malaman kung ano na ang trabaho nila ngayon kaya mas mabuti ng mag-ingat at baka nandito lang pala sila sa mall. Baka makarating pa sa ate ko na may ha holding hands akong lalaki na gwapo, matangkad, matcho at magaling gum

