Chapter 20 Cataleen’s Pov HINDI KO lubos maisip kung bakit nagawa ito ni Remus na ilibing ng buhay ang kaibigan kong nagpabango at nagpapogi bago pumunta dito sa bahay. Napakawalang puso talaga ng Remus na yun. Natataranta tuloy akong hinukay ang kaibigan ko at baka matuluyan na sa ilalim ng lupa. “Hoy, baddie! Wag ka muna mamatay dyan! Wala ka pang lapida!” Sigaw ko habang hinuhukay ang lupa. Wala na akong pakialam kung madumihan man ako. Kailangan kong bilisan at baka hindi na humihinga ang kaibigan ko. Ang lalim pa naman ng hukay na ginawa ni Remus. Napamura na lang talaga ako habang naghuhukay ng lupa. Piste talaga siya! Maayos na pumunta ang kaibigan ko dito tapos ganito ang gagawin niya. Dapat pala nagtaka na ako kung bakit may bulaklak siyang inorder kanina. Kaya naman pala na

