Chapter 19 Cataleen’s Pov HINDI KO talaga matanggap na tinawag na naman akong bobo nang hinayupak na lalaking yun. Hindi na talaga nakakatuwa ang ugali ni Remus. Dapat na siyang ibaon sa lupa total naman may nakahanda naman ng libingan sa gilid ng bahay niya. Nakakainis talaga ang lalaking yun. Akala ko pa naman ay magiging sweet na siya sa akin. Okay na eh, kinilig na ako sana ako dahil naranasan ko din sa wakas na may nagtimplang kape sa akin. Pero nang sabihin niyang bobo ay nainis talaga ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa lalaking yun. Ang sarap niyang sakmalin sa leeg para magtanda ang animal. Pero sabi nga nila be kind to animal kaya hindi ko na papatulan pa. Baka masakmal pa niya ako sa braso. Baka may rabies pa ang hinayupak. Lumabas na lang ako sa bahay ni Rem

