Chapter 18 Cataleen’s Pov UMAGA ngayon at ang ganda ng gising ko. Paano ba naman kasi ay magka chat kami ng kaibigan kong si Desmond. Panay kwento sa kupal niyang katrabaho na may putok daw. Ako naman ay tawa ng tawa at nakikilait na lang din. Wala akong putok eh kaya makikisali ako sa panglalait. Panay tuloy ang tawa ko kahit nakahiga pa rin ako sa kama. Hindi pa ako bumangon dahil hindi pa ako handang sumabak sa laban kapag nakita ko ang pagmumukha ni Remus the great. Masisira na naman ang araw ko kapag nakita ko siya. Pangit pa naman niya kabonding. Panay lang ang palitan ko ng reply kay Malapit na mag 9AM kaya naisipan ko ng bumangon dahil nakaramdam na din ako ng gutom. Inayos ko na muna ang kama ko at maging ang unan ko ay inayos ko din para malinis tignan. Ang ganda-ganda ng

