Chapter 17 Cataleen’s Pov NAKARATING na ako sa harap ng gate ng bahay ni Remus. Balik na naman sa lungkot ang buhay ko dahil tapos na ang maliligayang araw ko kasama ang kaibigan kong si Desmond. Ang saya ko pa naman kanina lalo na’t kung saan-saan kami pumunta. Ginala talaga ako ng kaibigan ko at masasabi ko talaga na bigtime na siya ngayon. Maganda pala ang sahod niya do’n sa pinagtatrabahuhan niya. Sayang nga talaga hindi kami nagkita agad. Napansin kong bukas ang gate kaya tinulak ko na lamang ito. Mukhang hindi nilock ni Remus the great. Sabagay wala naman sigurong magtatangka na pasukin ang bahay niya. Tahimik lang ako habang sinasara ang gate. Narinig ko ang tahol ni Cookie kaya agad akong lumingon kung saan galing ang tahol niya. Nakita ko siya na papunta sa akin pero hindi n

