Chapter 16 Cataleen’s Pov NAGPAPAAYOS na ako ng cellphone ko dito sa loob ng mall. Kanina pa ako dito at bored na bored na ako. Gusto ko sanang mag ikot-ikot muna habang inaayos ang phone ko pero ayaw kong umalis dahil baka kunh ano pa ang gawin nang nag aayos nito. Kailangan kong bantayan. May binigay naman silang upuan kaya hindi ako kawawa dito habang naghihintay. Yun nga lang naboboring ako dahil wala akong ginagawa. Panay lang ang tingin ko sa mga dumadaan. Kulang nalang ay tumulong ako sa kasama ni kuya na nag aayos ng phone. Nagtatawag kasi sila ng customer kaya parang gusto ko na din gawin. Para lang may magawa ako. Napabuntong hininga ako at napayuko na lamang. Napagod na ang mata ko kakatingin sa mga dumadaan. Naduduling na ang mata ko. Habang nakayuko ako ay may napansi

