Chapter 15 Cataleen’s Pov NANDITO na kami sa harap ng mall ni sir Hadeon at tuwang tuwa ako na nakalabas ako sa bahay ni Remus. Akala ko nga ay idadaan lang niya ako sa mall at ako ng bahala sa buhay ko. Pero sinamahan pa rin ako ni sir Hadeon dahil sabi niya ay mag da-date daw kaming dalawa. Parang tanga talaga yun pero hindi na ako pumalag dahil yun naman ang gusto niya. Ang sabi ni sir Hadeon ay mamaya ko na daw ipaayos ang cellphone kong nabasag. Kumain na muna daw kami dahil nga sa hindi na kami nag almusal. Pumayag naman ako dahil sirado pa naman ang mall. Mamayang 10:30AM pa naman magbubukas. Pero may restaurant naman na katabi kaya doon na namin piniling kumain ni sir Hadeon. Pumasok kaming dalawa sa restaurant at agad na pumili ng bakanteng table. “Libre mo ako, sister in la

