Chapter 14 Cataleen’s Pov TINANGHALI na ako ng gising dahil sa dami ng nangyari sa akin kagabi. Ang dami ko ba namang pinagdaanan kagabi kaya talagang pagod na pagod ako. Sa kasamaang palad ay hindi natuloy ang paglalayas ko dahil sa sinundan ako ni Remus the great. Hindi ko alam kung bakit nagbago ang isipan niya at sinundan niya ako. Gusto ko sanang itanong sa kanya pero baka wala naman akong makuhang sagot sa kanya. Puro pagsusungit lang naman ang ginagawa niya sa akin. Kinuha ko na muna ang cellphone ko na nasa bedside table ko para sana tignan ang oras. Ngunit nang makuha ko ito ay bumalik sa alaala ko na binasag nga pala ‘to ni Remus the great. Yung itim sa screen ng phone ko ay kumalat na talaga kaya wala na talagang makita. Nakakainis talaga ang Remus na yun. Bumangon na lama

