Chapter 9 Cataleen’s Pov MAANGAS talaga ang lalaking yun at nakakairita dahil hindi talaga niya ako pinapansin dito sa bahay niya. Pero hindi ako pwedeng magreklamo dahil nakalagay naman talaga do’n sa rules na wag akong mangialam sa lalaking yun. Nakatulog naman ako ng maayos kagabi. Ang sarap nga ng tulog ko eh dahil may aircon. May sarili namang banyo ang kwarto ko kaya pwede na akong hindi lumbas. Kaya kung tutuusin ay ang sarap ng buhay ko dito. May bara nga lang sa ilong, malaking bara kaya naiinis ako. Umaga na ngayon pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto. Baka makita ko na naman kasi si Remus the great. Ang ganda pa naman ng gising ko dahil feel na feel ko ang aircon. Wala kasing ganito sa bahay. Sigurado akong kapag nakita ko na naman siya ay maiinis na naman ako sa kany

