Chapter 8
Cataleen’s Pov
BINIGYAN ako ng kwarto ng masungit na lalaki. Akala ko nga itatabi niya ako sa malaking aso niya eh. Mabuti nalang at hindi siya tinupak kundi iyak talaga ako malala. Isusumpa ko na talaga ang kapatid niyang si Hadeon. Confirm talaga na siya si Remus. Wala kasi talaga akong makitang tao kundi siya lang. Napakamalas ko talaga dahil sigurado akong mapapanis lang ang laway ko sa kanya.
Hindi na muna ako lumabas ng kwarto ko dahil nagpahinga na muna ako. Napagod talaga ako kanina na pinahabol niya ako sa aso. Ang sakit din ng mga balikat ko. Wala pa namang manghihilot dito kapag napilayan ako. Iba pa naman ako kapag napilayan ako ay lalagnatin at hindi talaga ako gagaling hangga’t hindi nahihilot. Bwisit kasi na lalaking yun. Hindi man lang naaawa sa akin at talagang pinahabol niya ako sa aso.
Nagustuhan ko naman ang kwartong binigay sa akin ng lalaking masungit. Malaki ang kwarto ko. Mas malaki pa nga ito sa bahay namin ni ate. May walk in closet din dito kaya excited akong mag ayos ng mga dala kong damit. Sino ba namang hindi ma e-excite pero sa t’wing naalala ko ang poging kapatid ni sir Hadeon na ubod ng sungit ay nalulungkot agad ako. Sino ba namang malulungkot eh siya ang makakasama ko sa loob ng isang taon.
Pinapalakas ko nalang talaga ang loob ko at sinasabi ko na lamang na mabilis lang ang takbo ng panahon. Mabilis lang ang isang taon kaya lulunukin ko nalang ang asar ko sa lalaking yun lalo na’t tinawag niya akong bobo.
Habang nakahiga ako ay biglang kumalam ang sikmura ko. Anong oras na din kasi. 12PM na din kaya nagugutom na rin ako. Mukhang kailangan kong lumabas para kumain dahil wala naman akong pagkain na dala. Pero makikita ko na naman ang masungit na yun. Siguro naman pwede akong kumain sa bahay niya.
Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at inayos ang buhok ko. Inayos ko na rin ang damit ko. Hinaplos ko na rin ang mukha ko at baka may muta pala ako. Nakakahiya naman sa kanya kung may muta ako. Baka kung ano na naman ang masabi niya sa akin.
Naglakad na lamang ako sa pinto at agad na pinihit ang siradura ng pintuan. Hindi na muna ako lumabas ng kwarto ko dahil sumilip na muna ako. Tinignan ko kung nasa paligid lang ba ang kalaban. Dudugo na naman ilong ko sa kanya eh.
Nang mapansin kong walang bakas ni Remus the great ay agad akong lumabas ng kwarto at dahan-dahan na isinara ang pinto.
Nasa first floor lang naman ang kwarto ko dahil bawal nga akong pumunta sa second floor at bawal din akong pumasok sa ibang room. Kailangan kong pumunta sa kusina habang wala pa sa paligid si Remus the great.
Hindi ko alam kung saan banda ang kusina niya kaya bahala na kung saan ako dalhin ng paa ko. Panay pa ang tingin ko sa paligid at baka makita ko ang dalawa kong kalaban sa bahay na ito. Ang aso at ang amo niyang pogi.
Ang laki talaga ng bahay na ‘to kaya ang tagal kong makarating sa kusina. Nahanap ko naman ito kaya natuwa ako. Nakangiti akong pumasok sa kusina ngunit agad naglaho ang ngiti ko nang makita ko si Remus na tahimik na kumakain ng pananghalian. Napaka animal talaga! Kumakain na pala siya pero hindi man lang niya ako tinawag.
Tumingin lang siya sa akin at patuloy lang siya sa pagsubo ng karne sa bibig niya. Wala man lang sinabi kahit yayain akong kumain. Para bang wala lang sa kanya na nasa harapan niya ako. Grabe talaga ang ugali ng lalaking ‘to. Masyadong malayo kay sir Hadeon na kaya ko pang biruin pero siya talaga ay hindi ko kayang gawin dahil napakasungit.
Iniisip ko kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Natatakot akong magtanong kung pwede ba akong kumain o hindi. Baka kasi magalit na naman siya sa akin.
“Ahm.. pwede ba akong kumain?” Tanong ko at napakamot sa likod ng ulo ko. “I mean.. nandito ako sa bahay mo kaya okay lang naman siguro diba na kumain ako?” Dagdag ko pang sabi pero naka poker face lang siya at patuloy pa rin ang ginagawa niya. May pahiwa hiwa pa siyang nalalaman sa karne na nasa plato niya.
Para akong tanga dito sa harapan niya dahil hindi man lang siya nagsalita. Para bang isa akong hangin na hindi niya pinapansin. Mabulag sana siya. Piste!
“Mukhang bawal akong kumain. Sige, lalabas na lang ako. Hanap nalang ako ng karinderya. Kakahiya naman sayo.” Sarkastiko kong sabi sabay tinalikuran siya. Nagsimula na akong maglakad para sana lumabas na lang ng bahay niya. Para pagkain lang kasi, nagdadamot pa.
Mukhang masarap pa naman ang ulam niya.
Kailangan ko yatang tawagan si sir Hadeon at itanong sa kanya kung bawal ba akong kumain dito sa bahay. Wala naman kasi ‘to sa rules eh. Walangya!
“Hindi mo kailangan magpaalam kung kakain ka.” Sabi ni Remus the great kaya napatigil ako sa paghakbang at agad siyang nilingon. Nakita kong nakatingin na siya sa akin. “If you weren't so stupid, you wouldn't be asking if you can eat in my house. You already know you're living here, just like my brother said. Use your brain, woman." Malamig at matalim niyang sabi saka siya tumayo sa kinauupuan niya.
“So, eat. Wag mong hintayin na paghandaan kita ng pagkain.” Masungit niyang sabi saka niya kinuha ang plato na ginamit niya saka siya naglakad papunta sa sink. Naikuyom ko na lamang ang palad ko dahil kutang-kuta na talaga ang animal na ‘to sa akin. Gusto ko na siyang sakmalin sa leeg sa inis ko. Ngayon lang kami nagkita peron natawag na niya akong bobo o stupid. Ang sama talaga ng ugali.
Hinugasan niya ang pinagkainan niya saka siya naglakad at lumabas ng kusina. Iniwan niya ako dito na hindi man lang nakaganti sa sinabi niya. Hindi man lang ako nakasagot kaya mas lalo akong nairita. Nakakakulo ng dugo ang animal. Malay ko bang pwede akong kumain eh hindi naman siya sumasagot. At isa pa, kung gusto talaga niya akong kumain ay yayayain sana niya ako dahil nakatayo ako sa harapan niya pero hindi naman niya ginawa. Kaya sino kaya ang bobo sa aming dalawa.
Kumuha nalang ako ng pagkain dahil kumukulo na talaga ang tiyan ko. Nagugutom na ako kaya kailangan ko ng kumain. Mamaya ko na iintindihin ang masamang ugali ni Remus the great. Isusumbong ko talaga siya kay sir Hadeon. Kaya siguro naghanap na lang si sir Hadeon ng mapapangasawa ni Remus dahil walang babae ang nagtatagal sa kanya. Kahit yata ako ay hindi ko papatulan ang kasungitan ng animal. Napakamalas ng babaeng magmamahal sa kanya dahil wala naman siyang puso, nguso meron. Sarap nga lang pitikin ng nguso niya.
Nang makakuha ako ng pagkain ay agad akong tumungo sa upuan na nasa dulo ng mahabang table. Ang haba-haba ng table niya tapos ang upuan ay dalawa lang. Nasa magkabilang dulo ang mesa. Para bang ayaw niyang matabihan kapag kakain siya dito. Kaya malungkot buhay no'n eh kasi walang kasama sa bahay na 'to. Nagmumukhang timang dito. Aso lang ang kasama. Malapit na sila magpalit ng mukha ng aso.
AN: Sa mga bagong readers po dito, pa add po sa library ninyo ang story ni Cataleen para makatanggap po ng notif kapag may update po ako. Salamat po!