Chapter 2

1372 Words
Chapter 2 Cataleen’s Pov PAGOD NA PAGOD akong umupo sa upuan na nasa harap ng isang tindahan. Katatapos ko lang kasi magpasa ng resume ko. Kahit saan na ako pumunta para lang makahanap ako ng trabaho. Totoo pala talaga ang sinabi ni ate Zephyr, ang hirap maghanap ng trabaho. Tangina! Lahat ng napasahan ko ay puro tatawagan ang sinasabi sa akin. Kulang nalang ay hingiin ko ang phone number nila para ako na ang tumawag sa kanila. Alam ko na kasi ang kababagsakan ng resume ko. Sobrang tirik pa ng araw. Ang hapdi sa balat ng sikat ng araw kaya nalanta tuloy ang beauty ko. Ang ganda-ganda ko kanina nang umalis ako sa bahay eh. Ngayon, parang pinahiran ng mantika ang mukha ko. Naisipan ko nalang munang umupo sa harap ng tindahan. Bumili na din ako ng isang bottled water dahil uhaw na uhaw na talaga ako. Ginawa ko na ding pamaypay ang hawak kong folder. Apat nalang ang natirang resume ko kaya baka bukas ko na naman ipapasa ‘to. Hindi din biro ang gastos sa pag print nito eh. Pamasahe ko pa at pagkain. Kaya sana talaga ay makahanap na ako ng trabaho at hindi masayang ang effort ko sa paghahanap. Ayaw ko na munang tawagan si ate Zephyr at baka busy pa yun sa trabaho niya. Baka makaistorbo lang ako at mapagalitan siya ng boss niya. Bumuntong hininga ako habang nakaupo sa upuan at nakatingin sa mga dumadaan. May nakita pa akong dalawang babae na naglalakad papunta sa tindahan. Nilagpasan pa nila ako nang makadaan sila sa akin. Yung isang babae ay nagsisigarilyo kaya napangiwi ako dahil ayaw kong nakakaamoy ng sigarilyo. Pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga. Pero ayaw ko namang sawayin at baka mapagalitan pa ako. Nakatambay lang ako dito kaya dapat lang na hindi ako mangialam. “Malakas ang kita ko kagabi, mare.” Sabi ng isang babae kaya napanguso ako at lumingon sa kanila. Kunwari pa akong nagkakamot sa tungki ng ilong ko. “Sana all, mare. Ako ang hina kagabi. Walangya yung lalaking naka table ko, parang tanga.” Saad ng babae naninigarilyo. “Bakit, mare? Walang arep ba?” Tanong ng isang babae kaya napaisip ako kung ano yung arep. Hanggang sa pumasok sa isipan ko na pera pala yun, binaliktad pala. “Kakabwisit nga eh! Dapat mamayang gabi ay makarami ako. Tuwad kung tuwad. Go! Go! Go!” Sabi niya pa nito kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko habang nakikinig sa pinag uusapan nila. Mukhang sa bar nagtatrabaho ang dalawang ‘to. Pinaka ayaw kong lugar yun dahil sa may nangyari sa akin. Tatlong taon na ang nakakalipas. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan yun kaya ilag na akong pumunta ng bar. Takot na akong maulit ang pagkakamali kong nagawa. Kapag nalaman ni ate Zephyr ang nangyari sa akin ay sigurado akong nail cutter ang gagamitin niyang pang kurot sa akin. Kaya hindi ko na lang sinasabi na hindi na ako virgin. “Makakarami ka niyan mamaya, mare. Manifesting.” Sabi pa ng babae saka sila naglakad paalis ng tindahan. Napangiwi ako dahil may nalalaman pa silang manifesting. Pambihira talaga, parang ito na yata ang sign para pumasok ako bilang dancer sa bar. Pero walanjo! Baka sa audition pa lang ay bagsak na ako. Hindi ako magaling gumiling eh. Baka imbes na malibugan sa akin ang customer ay mabwisit lang sa akin. Tumayo na ako dahil tama na ang pahinga. Maghahanap nalang muna ako ng karinderya para makakain ako saka ako uuwi sa bahay namin ni ate Zephyr. Mabobored lang ako do’n sa bahay namin dahil wala naman akong makakausap. Naglakad lakad lang ako hanggang sa makahanap ako ng karinderya. Mukhang masarap naman yata ang mga pagkain nila dahil maraming kumakain. Agad akong pumasok at naghanap ng pwesto. Napamura ako sa isipan ko dahil punuan. Hindi na ako magtataka dahil lunch time naman kasi. Panay pa rin ang lingon ko hanggang sa makakita ako ng isang bakanteng mesa. Umalis na ang dalawang customer kaya dali-dali akong naglakad papunta do’n. Pero sa kasamaang palad ay may naunang lumapit sa table. Isang matangkad na lalaki. Nakasuot pa ito ng long sleeve na kulay navy blue. Pero lumapit pa rin ako dahil parang siya lang naman mag isa. Dalawa naman ang upuan kaya pwede akong makipag share. Nang makalapit ako ay hinawakan ko ang isang upuan. “Hi po! May kasama ka po bang kumain, sir?” Tanong ko agad habang matamis siyang nginitian. Tumingin naman sa akin ang lalaki at tinaasan niya ako ng isa niyang kilay. Ang galing umangat ng kilay niya eh. Bakla yata ‘to. “Hindi kita type.” Sabi niya agad kaya nanlaki ang mata ko. “Hoy! Hindi din naman kita type. Nagtatanong lang naman ako dahil ito lang ang bakanteng mesa. Kakain din kasi ako, mister.” Sabi ko at tinuro ang mga table na may mga customer. “Oh. Akala ko ay nilalandi mo ako.” Sabi niya kaya napangiwi ako. “Lakas ha!” Sabi ko pa saka ko inilapag ang folder kong dala. Hindi na ako nagtanong pa kung may kasama ba siya sa table. Basta dito ako kakain sa table na ‘to. Mabilis na akong lumapit sa mga nakadisplay na mga pagkain para makapili na muna ako. Isang putahe lang ang inorder ko at isang kanin. Kailangan magtipid ng pera para hindi na ako humingi kay ate Zephyr. Nang makaorder ako ay agad akong bumalik sa table kung saan ko iniwan ang folder. Kumakain na ang gwapong lalaki na feelingero. Inilapag ko agad ang inorder kong pagkain saka ako umupo. Kumain na agad ako para matapos na ako dahil marami pang customer na pumapasok. Kumakain lang ako hanggang sa tumikhim ang gwapong lalaki. Tumingin naman ako sa kanya dahil baka nabilaukan siya. Ready na akong hampasin ang likod niya kapag nabulunan siya. “What?” Tanong niya sa akin. “Wala naman, akala ko nabilaukan ka.” Patay malisya kong sagot at agad akong sumubo ulit ng pagkain. “Naghahanap ng work?” Tanong niya sa akin kaya tinaasan ko siya ng isa kong kilay. “Paano mo naman nalaman, aber?” Tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay. “May dala kang folder. Mukha ka ding nag apply ng trabaho. Ganyan ang mga nakikita ko eh,” sabi niya saka kumain muli. “Eh ikaw.. may work ka ba?” Lakas loob kong tanong sa lalaki. Tumawa lang siya ng mahina. Inirapan ko naman siya at kumain na lang ako ulit. Eh ‘di siya na ang may trabaho. “So, anong ina-applyan mo?” Tanong niyang muli. “Kahit ano. Kahit waitress nga ay ayos lang sa akin basta may sahod na pumapasok sa akin every month.” Sagot ko kaya natawa siya. “Hmm.. interesting. May I have a copy of your resume?” Aniya kaya natigil ako sa pagnguya. “Bakit?” Tanong ko sa kanya. “Wala lang, malay mo, mabigyan kita ng trabaho.” Sagot niya kaya mabilis ang kilos ko na kinuha ang resume ko sa folder at inabot ko ito sa kanya. “Sure ba yan? Baka scam yan ha!” Sabi ko pa. Tinanggap naman niya ang resume ko at binasa niya ito. Pinagmamasdan ko lang siya kung ano ang magiging reaksyon niya habang binabasa ang resume ko. “Nga pala, anong pangalan mo?” Tanong ko sa kanya. “Para naman alam ko ang pangalan mo kapag naisipan mo akong tawagan.” Sabi ko at inunahan ko na siya at baka may maisip na naman siya. Feelingero pa naman siya. “Hadeon Eleazar Valconeri. Remember my name, Ms. Cataleen Blair Fortalejo.” Sabi niya kaya tumango nalang ako. “Hadeon nalang, sir Hadeon ang tawag ko sayo.” Sabi ko kaya tumango siya at kumain na lang muli. Hindi naman na siya nagsalita kaya bumalik nalang ako sa pagsubo ng pagkain. Hindi ko alam kung may aasahan ba ako sa lalaking ‘to. Hindi ako aasa sa kanya. Pero sana lang ay makahanap na talaga ako ng work. Ayaw ko ng maging pabigat kay ate Zephyr. Tapos na ako ng pag aaral kaya dapat lang na makapagtrabaho ako at makabawi ako sa ate kong tumayo bilang magulang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD