Chapter 3
Cataleen’s Pov
ILANG araw na akong naghihintay ng tawag sa mga pinagpasahan ko ng resume ko. Pero kahit isa ay wala akong tawag na natanggap. Mas lalo lang akong na stress. Sabi nga ng ate ko na hayaan ko lang at wag daw akong ma-stress sa buhay. Hindi naman daw niya ako minamadali na makahanap ng work.
Pero gusto ko na talagang makahanap ng work. Pambihira talaga! Gusto ko ng ipakita ang skills ko eh. Kaso wala namang gustong kumuha sa akin. Sino bang hindi mapapatulala.
Nagkita pa kami ng classmate ko sa college. Ang bongga niya dahil may work na agad siya at talagang sa isang malaking building pa. Napa-sana all nalang talaga ako.
Yung iba kong mga classmate ay may work na rin. Yung iba ay sa mall. Okay na din yun kaysa sa wala. Kinausap ko na nga din sila at sinabi ko tawagan nila ako kapag may alam silang hiring. Kahit ano naman ay papasukin ko. Basta pera ang usapan ay ayos lang sa akin.
Mukhang sa bar yata ang bagsak ko nito kapag hindi pa ako nakahanap ng work. Mukhang kailangan ko na yatang mag practice sumayaw para naman kapag sinabi nilang ilabas ang talent ko ay pakikitaan ko talaga sila ng pamatay na sayaw.
Nandito lang ako sa bahay at nagpapatugtog ng music. Kinareer ko na talaga ang naiisip ko na maging dancer ng bar. Pinatugtog ko lang naman ang Beautiful liar ni Beyonce ft. Shakira. Panay ang sayaw ko at ginagalaw ang balakang. Pero tangina.. kulang sa pakulo ang katawan ko para lumambot. Kaiyak!
Sayaw lang ako ng sayaw at pinagpipilitan talaga ang gusto ko na maging dancer. Ito nalang kasi ang magiging option ko kapag wala akong nahanap na trabaho.
“Mukhang uod na inasinan.” Biglang may nagsalita sa likuran ko kaya napatigil ako sa katangahan ko at mabilis na nilingon ang ate ko.
Napanguso agad ako sa kapatid ko dahil halatang pinagtatawanan niya ako. “Anong gimik yan?” Tanong niya sa akin.
“Eh kasi.. wala akong mahanap na trabaho po eh. Kaya naisip ko na kapag hindi ako nakahanap ng trabaho ay susubukan ko sa bar. Dancerist po, ate.” Sabi ko habang nakangisi.
Napangiwi naman ang ate ko. “Langya! Baka sa audition pa lang ay masipa ka na ng Mamasang. Ang tigas ng katawan mo eh. Imbes na tigasan ang customer sayo ay baka lumambot pa ang putotoy.” Sabi niya. Wala talang supporta sa pagiging dancer ko sa club.
Napakamot na lamang ako sa likod ng ulo ko. “Pangit mo kabonding, ate. Napaka supportive mo talaga eh no!” Sabi ko sa sarkastikong boses.
“Nagsasabi lang ako ng totoo, Cat. Napakatigas ng katawan mo.” Naiiling niyang sabi saka siya naglakad papunta sa upuan namin na kulang nalang ng perma ng dalawang langaw para masira.
“Aalis ka na naman ba, ate?” Tanong ko sa kanya. Pinapanood ko lang siya habang nagsusuot ng hikaw sa kaliwa niyang tenga.
“Oo. Baka bukas na ako makakauwi. Mag lock ka ng pinto mamayang gabi ha! Wag na wag ka ng gumala mamaya. Baka naman makikipag inuman ka na naman sa mga kaibigan mo na hindi ko alam.” Sabi niya sa akin habang pinandilatan niya ako ng mata niya.
“Oo na. Hindi naman ako lalabas eh. Mag pra-practice kaya akong sumayaw. Malay mo.. lumambot ang katawan ko. Baka pumasa na akong star dancer.” Sabi ko sa kanya sabay gumiling pa. Pero bwisit na katawan ‘to, nagmukha akong tanga sa paggiling ko.
“Hays.. ewan ko sayo. Ipagpatuloy mo lang yang goal mo maging dancer sa bar. Anyway, may iniwan akong 500 pesos sa mesa. Ibili mo yun ng lutong ulam mamaya para may ulam ka.” Sabi niya kaya napangiti ako.
“Okay po, ate. Thank you! Ingat ka sa work mo.” Sabi ko at ikinaway ang kaliwa kong kamay. Tumayo na si ate mula sa pagkakaupo at agad siyang naglakad papunta sa pinto.
“Alis na ako. Yung bilin ko sayo, Cataleen ha! Kukutusan talaga kita kapag gumala ka.” Sabi niya sa akin. May banta pa siyang nalalaman. Alam naman niyang tamad na akong lumabas ng bahay. Bukod sa tamad na ako ay wala pa akong pera. Paano ako gagala nito.
“Oo na, ate. Sige na, umalis ka na para makapag practice pa ako.” Pagpapaalis ko sa kanya saka ako lumapit papunta sa kanya para isara ang pinto.
Lumabas naman si ate. Hindi ko na muna isinara ang pinto dahil pinagmamasdan ko muna siya habang naglalakad palayo sa bahay namin.
Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang ate kong maganda. Nang hindi ko na siya matanaw ay isinara ko nalang ang pinto at nilock ito. Mahirap na baka bigla akong mapasukan ng mga tambay dito o di kaya ay adik.
Bumalik ulit ako sa pagsayaw. Kahit anong gawin ko talaga ay hindi ko makuha. Natatawa na lang talaga ako sa sarili ko. Mukhang tama nga si ate ko, sa audition pa lang bagsak na agad ako. Waitress nalang siguro ang a-applayan ko.
Napagod na ako kakasayaw kaya naisipan ko na lamang na umupo muna. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may text ba ako. Pero bagsak ang balikat ko dahil kahit text ng Globe ay wala akong natanggap.
Humiga nalang ako sa mahabang sofa namin at nakatitig sa kisame. Iniisip ko kung kailan kaya ako magkakaroon ng trabaho. Gusto ko na din kasi maranasan ang maging busy sa buhay. Yung tipong aligaga sa umaga dahil nagmamadali na dahil sa late nagising.
Mas maganda sana kung opisina ako eh. Hanggang imahinasyon na lang yata ako. Hindi na talaga siguro mangyayari ang pangarap kong makapag suot ng office attire.
“Ang hirap pala maging matanda.” Sabi ko na lamang sa mahinang boses.
“Gusto ko nalang maging bata. Bahala na kung mag aaral ako ulit.” Sabi ko at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
Natigilan ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Malakas ang ringtone dahil sinadya ko talaga yun para marinig ko kapag may tumawag sa akin.
Mabilis kong kinuha ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Isang unknown number. Naisip ko na baka isa ito sa pinagpasahan ko ng resume ko.
Agad kong sinagot ang tawag at excited ko itong inilapit sa kaliwa kong tenga. “Hello..” bati ko agad sa kabilang linya. Tahimik ito kaya nagtaka ako. Inilayo ko na muna ang phone at tinignan kung naka connect pa ba ang tawag. Nakita ko naman na naka connect pa kaya inilapit ko muli sa tenga ko.
“Hello po.. sino po sila?” Tanong ko agad.
“It’s me.. Hadeon.” Pagpapakilala niya sa akin. Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko dahil sa narinig ko ang boses ng lalaki na feelingero.
“Ahh.. ikaw po pala, sir Hadeon.” Nasabi ko na lamang. Sana may magandang good news ang pagtawag niya sa akin.
“Come to my office now, Ms. Fortalejo.” Sabi niya kaya napatayo agad ako.
“Ngayon na? T-Teka.. trabaho na ba ito, sir Hadeon?” Hindi makapaniwala kong sabi.
“Yes. Please proceed immediately to the address I’m about to text you, before I offer your position to someone else." Sabi niya sa maatowridad na boses.
“Ahh.. yes po, sir. Darating po ako agad.” Sabi ko sa kanya sa natatarantang boses. Pinatay niya ang tawag na hindi man lang nagpapaalam sa akin kaya napakamot na lamang ako sa likod ng ulo ko. Hindi man lang nagpaalam.
Pero ayos lang, at least may trabahong naghihintay para sa akin. Hulog pala ng langit sa akin si Mr. Hadeon. Akala ko kasi ay isa lang siyang feelingero na pogi. Mabuti nalang pala at binigay ko sa kanya ang resume ko.
May pumasok na message mula parin sa number na tumawag. Napangiti ako dahil address yun ng opisina niya. Nagmadali na lamang ako para makaligo na muna dahil pawis na ako kakasayaw kanina. Kailangan kong bilisan ang kilos ko at baka ibigay sa iba ang posisyon na i-o-offer sa akin. Hindi maaari yun. Kailangan ko ng trabaho kaya dapat lang na sa akin mapunta yun.