Chapter 4

1441 Words
Chapter 4 Cataleen’s Pov NANG MAKARATING ako sa office ni sir Hadeon ay kabado akong naghihintay kung ano ba talaga ang ibibigay niyang trabaho sa akin. Sino ba namang hindi kakabahan lalo na’t ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ako ng work. Hindi ko nga alam kung tama ba ‘tong ayos ko. Ewan ko kung tao pa ba ang itsura ko. Nagmadali kasi ako papunta rito at baka may mahanap na iba para sa posisyon ko. Hindi ako makakapayag na may papalit sa posisyon na ibibigay nila sa akin. Pinapasok naman ako ng secretary ni sir at ang sabi niya at good luck daw sa akin. Ang sabi niya ay nasa loob daw si sir, pero wala naman akong makitang tao. Wala naman si sir Hadeon. Nakatayo lang tuloy ako sa gilid at hindi na muna lumapit sa kahit saan at baka mapagalitan ako. Baka kasi nagkamali lang ang secretary ni sir Hadeon at hindi niya nakita na lumabas ang lalaki. Ngunit biglang bumukas ang pintuan sa gilid at lumabas do’n si sir Hadeon. Napansin yata niya ako kaya napalingon siya sa gawi ko. Napangiwi pa ako dahil naamoy ko ang kakaibang amoy. Agad kong tinakpan ang ilong ko habang siya naman ay dali daling isinara ang pinto. “Ang lakas po ng amoy, sir ha!” Sabi ko pa at hindi man lang siya binati. Walangya! Tumatae pala siya sa banyo kaya pala wala siya sa swivel chair niya. Para bang napahiya si sir Hadeon at inayos na lang ang kwelyo niya habang naglalakad papunta sa swivel chair niya. Halos pukpukin ko ang ulo ko dahil sa sinabi ko. Dapat binati ko siya at hindi sinabi ang mga katagang yun. Kainis! Bobo ko talaga minsan eh. Kasalanan ‘to ni ate Zephyr eh, hindi gatas ang pinainom sa akin kundi kape nong bata ako. “Mabuti naman at nandito ka na. Late ka na ng 10 minutes.” Sabi niya at tumingin pa sa relo na suot niya. Napangiwi ako at inilagay na lamang ang dalawa kong kamay sa likod ko. Tama kasi siya, late ako ng 10 minutes. Syempre, naglakad pa ako papasok ng building. Ang laki-laki ba naman ng building dito. “Come here. Wag mong sabihing makikipag usap ka sa akin na ganyan kalayo.” Aniya kaya agad akong naglakad palapit sa office table niya. “Sorry po, sir.” Panghihingi ko ng paumanhin. “Sit,” sabi niya at tinuro ang upuan na nakalagay sa harap ng office table niya. Sinunod ko naman ang gusto niya at umupo ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil nahiya ako sa sinabi ko kanina. Mali talaga lalo na’t siya pa naman ang magbibigay sa akin ng trabaho. Dapat yata mag sorry ako. Pero tangina naman kasi.. ang lakas ng amoy kanina. Walanjo! “Anyway, may ibibigay akong trabaho sayo, Ms. Fortalejo.” Seryoso niyang sabi kaya napaayos ako ng upo. “Ano po yun, sir? Office clerk po ba?” Excited ko pang sabi ngunit umiling siya. Agad naman kumunot ang noo ko. “Ano po? Tindera po sa canteen? o Janitress?” Tanong ko dahil baka do’n ang bagsak ko. Para sa akin ayos lang din. Nakita ko kasi kanina ang canteen nila at ang laki. Ayos na sa akin kung maging tindera man ako dito. Malaking building naman eh. Kaya go na. Umiling si sir Hadeon kaya natigilan ako. “Eh ano po ang work ko, sir? Pinagtitripan mo lang po yata ako eh..” nakasimangot kong sabi. “Iba ang ibibigay kong trabaho sayo. Wag ka muna kasing madaldal para masabi ko sayo. Inuunahan mo ako eh..” sabi niya at pinandilatan ako ng mata niya. Kalalaking tao marunong mandilat. Bading amputa! “I have a special job for you, Ms. Fortalejo.” Aniya. Hindi pa niya sabihin agad, may pa suspense pa kasing nalalaman. “Ano po yun?” Seryoso kong tanong. Halata sa mukha ko na hindi na ako makapaghintay. Hindi na nagsalita si sir Hadeon pero may kinuha siyang papel sa table niya. Hinintay ko lang siya sa ginagawa niya hanggang sa ibinalik niya ang tingin niya sa akin. "I’m hiring you to be my brother's wife for one year." Sabi niya sa akin na ikinanganga ko. “Adik ka ba? Sabi na eh.. pinagtitripan mo lang ako. Loko ka.. alam mo ba magkano ang pamasahe ko papunta dito ha! 120 lahat. Tapos yan ang trabaho na i-o-offer mo sa akin? Gusto mong sakalin kita?” Matapang kong sabi. Wala na akong pakialam kung boss siya dito sa building na ‘to. Baliw ba naman. Sino bang hindi maiinis kung yan ang offer niya sa akin. Mas papayag pa ako maging janitress kaysa sa sinasabi niyang maging asawa ng kuya niya. Kung di ba naman kalahating ungas. Pinapainit talaga niya ang ulo ko. Ginamit ko pa naman ang binigay sa akin ni ate Zephyr na pera na pangbili sana ng pagkain ko. Pero nagmadali akong pumunta dito dahil sa sinabi niya na ibibigay niya sa iba ang position ko. Dapat pala binigay na lang niya sa iba at hindi na ako pumunta pa dito. Hindi sumagot si sir Hadeon kaya naisipan ko na lamang na tumayo mula sa kinauupuan ko para makaalis na ako dito. Nagsayang lang talaga ako ng pera. Piste talaga! Naglakad ako papunta sa pinto at hindi na nagpaalam pa kay sir Hadeon. Bahala siya sa buhay niya. Napahamak na nga ako dati sa bar tapos ngayon naman may mag o-offer sa akin na maging asawa ng kuya niya. Umiiwas na nga ako sa mga lalaki eh. Baliw talaga siya. “500,000 ang sahod every month.” Sabi niya kaya agad akong lumiko at bumalik sa table ni sir Hadeon at umupo muli. “Bakit hindi mo kasi sinabi agad ang sahod, sir. Eh ‘di sana hindi na kita inaway. Kailan po ako magsisimula?” Tanong ko habang matamis siyang nginitian na para bang hindi ko siya inaway kanina. Napabuga naman siya ng hangin. “Nalaman mo lang ang sahod nagbago agad ang isip mo.” Aniya sa bored na boses. “Aba, malaking pera po, sir. Kapag yan ang sahod ko ay makakabili agad ako ng bahay para sa amin ng ate ko. Mukhang pera po ako kaya bahala na kung anong trabaho ang papasukan ko.” Sabi ko sa kanya at proud na proud pa akong sinabi na mukha akong pera. Sino ba namang hindi. Lahat naman yata ng tao ay mukhang pera. “Here..” sabi ni sir Hadeon at inabot sa akin ang papel na kinuha niya kanina sa table. Tinanggap ko naman ito at binasa ang nakasulat. “Basahin mo ng mabuti yan, Ms. Fortalejo. Bukas na bukas ay bumalik ka dito para dalhin yan. Kailangan may perma mo na kapag ibabalik mo yan sa akin. Daanan mo sa secretary ko ang envelope na ipinatabi ko sa kanya at utang na loob, basahin mo nang maayos. Gusto ko ay lahat ng pasikot sikot ng rules na nakasulat ay maintindihan mo saka ka magdesisyon kung peperma ka ba o hindi. Pero kapag tinatanggap mo ang offer ko ay permahan mo at dalhin mo dito para bukas ay makapag simula ka na agad.” Mahaba niyang sabi kaya ngumiti ako. “Para namang sinabi mo sa akin na mahina ang utak ko, sir Hadeon.” Sabi ko sa kanya at hinaplos ko pa ang ilong ko. “Parang ganun na nga..” sagot niya sa sarkastikong boses kaya napanguso ako. Salbahe talaga ‘to. Pero hindi ko siya aawayin dahil siya ang nagbigay sa akin ng magandang opportunity para magkaroon ako ng trabaho. “Pwede ka ng umalis,” sabi niya at may kinuha sa likod ng pants niya. Nilabas niya ang wallet niya at inabutan ako ng one thousand. “Pamasahe mo. Baka magmaktol ka pa dyan!” Pangbabara niya sa akin kaya napangiwi ako at napakamot na lamang sa likod ng ulo ko. Tinanggap ko na lamang ang binigay niya sa akin na pera saka ako nagpasalamat sa kanya at humingi na din ng sorry. Lumabas na din ako ng opisina niya at tulad ng sabi niya ay lumapit ako sa secretary niya para kunin ang sinasabi niyang envelope. Inabot naman sa akin ng secretary kaya nagpasalamat ako at umalis na agad para makauwi na ako sa bahay namin ni ate. Kailangan kong basahin ang laman ng envelope bago ako pumirma at baka pagsisihan ko pa sa huli. Sana man lang may kasamang picture ang envelope na ‘to sa kuya ni sir Hadeon. Para naman alam ko kung anong itsura niya. Wala nang atrasan once nakapag perma ako sa contract.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD