Chapter 5
Cataleen’s Pov
NAKATITIG lang ako sa papel kung saan nakasulat ang rules na sinasabi sa akin ni sir Hadeon. Napabuntong hininga ako dahil hindi pa ako nangangalahati sa mga rules niya. Ang dami niyang kaek-ekan pero para sa pera ay wala akong magagawa kundi ang pumayag.
Unang una ba naman sa listahan ay bawal na bawal daw akong mainlove sa kuya niya. Kailangan lang daw ay tumayo akong asawa niya. Iniisip ko tuioy kung ilang oras akong nakatayo sa tabi ng kuya niya. Tumayo daw eh. Pambihira!
Bawal din daw akong magkwento sa ibang tao kung ano daw ang nakikita ko sa loob ng bahay ng kuya niya. Hahayaan ko lang daw at wag daw akong mangialam. Ang gulo ni sir Hadeon pero para sa pera ay susundin ko na lang. Hindi naman ako mahirap kausap.
Bawal daw akong mangialam sa bahay ng kuya niya. Ang tanging gagawin ko lang daw ay matulog, kumain at maging sweet kapag lalabas kami ng kuya niya. Wala man akong talent sa dancing pero sa drama ay magaling ako kaya yakang yaka ko lang ang pinagawa sa akin ni sir Hadeon. Sa sobrang easy ay mapapasabi na lang ako na easy money talaga ang sahod ko. Hindi yata pagpapawisan ang singit ko nito.
Bawal daw akong mangialam sa kuya niya at kapag hindi daw ako kinakausap ay wag daw akong magsasalita. Hindi ko alam kung may sayad ba si sir Hadeon o hindi. May isa pa siyang bawal na nabasa ko, bawal daw akong pumasok sa mga rooms. Tanging kwarto ko lang daw, sala at kusina ang pwede kung puntahan sa loob ng bahay ng kuya niya.
Iniisip ko tuloy kung paano pala kung may something ang kuya niya. Baka kasali sa dugo-dugo gang dahil ang daming bawal. Kanina pa tuloy ako kinakabahan habang binabasa ang rules na binigay. Pero iniisip ko din naman ang magiging sahod ko kaya bahala na.
Binasa ko na rin ang tungkol sa sahod ko. Bibigyan pala ako ng sariling ATM Card para doon pumasok ang sahod ko kaya may kailangan akong fill-upan. Hindi pa ako nagpapaalam sa ate ko dahil bukas pa ang uwi niya. Ngayon pa lang ay alam ko na ang magiging reaksyon ng ate ko. Sigurado akong hindi yun papayag kapag nalaman niya ang trabaho na papasukin ko. Sa mga rules pa lang kasi ay marami ng bawal. Sigurado akong may kababalaghan ang kuya ni sir Hadeon.
Ang nakakainis pa ay wala man lang picture na kasama dito sa envelope. Hindi ko tuloy alam kung ano ang itsura ng kuya ni sir Hadeon. Paano pala kung ang rason ni sir Hadeon kung bakit gusto niyang maging asawa ako ng kuya niya ay walang nagkakagusto sa kanya dahil pangit ito. Baka naman mukhang halimaw ang kuya ni sir Hadeon.
Habang iniisip ko yun ay tumayo ang balahibo ko. Mali yatang pumasok ako sa ganitong trabaho. Baka pagsisihan ko sa huli. Mukhang kailangan ko pag isipan ng magdamag para bukas ay makapagdesisyon na ako kung tatanggapin ko pa ang offer o wag nalang at maging star dancer nalang ako sa bar.
Niligpit ko nalang muna ang mga papel na nagkalat sa mesa saka ko inilagay sa bag ko. Pag iisipan ko ‘to habang nakahiga ako sa kama. Tapos naman na din ako mag hapunan kaya magpapahinga na ako.
Siniguro ko pa na lock ang pinto at baka mapasok pa ako ng mga may sayad sa utak. Ako pa naman mag isa. Nang masiguro kong lock ang pinto ay pumunta agad ako sa kwarto namin ni ate. Dala-dala ko din ang backpack ko kung saan ko nilagay ang envelope. Baka kasi biglang dumating si ate at makita niya ang rules eklabush ni sir Hadeon. Eh di nakutusan ako ng ate ko.
Humiga na ako sa kama at agad na tumagilid ng higa. Huminga ako ng malalim at ipinikit ko ang mata ko habang iniisip kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. Peperma ba ako o hindi. Ang hirap maghanap ng work kaya baka kapag hindi ko tinanggap ang offer ni sir Hadeon ay wala na talaga akong chance na makahanap ng work.
Bahala na talaga. Kailangan ko nalang tatagan ang loob ko kung pangit man ang kuya ni sir Hadeon. Hindi ko naman kailangan siyang kausapin kaya okay na rin. Kaya ko naman yata yun. Madali lang ang rules para sa akin dahil ang ibig sabihin lang no’n ay walang pakialaman.
Buo na ang desisyon ko. Bukas ay peperma ako. Pero sa ngayon ay matutulog na ako para bukas ay aagahan ko ang pagpunta sa kumpanya ni sir Hadeon para ibigay sa kanya ang contract with signature ko.
—---------------
Nagising na lang ako dahil may kumakatok sa pinto. Agad kong idinilat ang mata ko at nag inat ng katawan. Alam kong si ate Zephyr yun dahil inaasahan kung maaga siyang uuwi. Dali-dali akong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto habang nagkakamot sa tiyan ko. Naghihikab pa ako hanggang sa makarating ako sa pinto.
Nang mabuksan ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ng ate ko. “Ang tagal mo namang magbukas ng pinto.” Reklamo niya kaya napangiwi ako.
“Kagigising ko lang kasi..” sagot ko sa aking kapatid at pinapasok siya sa bahay. Pumasok naman siya agad at inabot niya sa akin ang isang plastic.
“Halata nga na bagong gising ka. May tuyong laway ba naman sa gilid ng labi mo.” Sabi niya sa akin kaya kinapa ko agad ang gilid ng labi ko.
Isinara ko na lamang ang pinto at sumunod ako kay ate. Pabagsak siyang umupo sa sofa namin at halatang pagod na pagod. “Nga pala, ate.. may trabaho na po ako.” Pagbabalita ko sa kanya kaya nanlaki naman ang mata ni ate.
“Talaga? Saan? Baka naman dancer ka sa club ha! Umayos ka!” Sabi niya na inunahan na naman ako.
“Hindi po ahh..” sabi ko at pilit na hinahalukay ang isipan ko kung ano ang pwede kong sabihin na pwede kong trabaho na hindi siya mag aalala. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo dahil sigurado akong hindi siya papayag.
“So, ano nga?” Hindi makapaghintay niyang sabi.
“Ahm.. yaya po, ate. Yaya or parang personal assistant ako ng magiging amo ko.” Sabi ko sa aking ate kaya napatango tango siya.
“Mabuti naman kung ganun. Eh kailan ka naman magsisimula?” Tanong niya sa akin kaya napangiti ako.
“Mamaya po kasi ay pupuntahan ko ang magiging boss ko, ate. Kaya mamaya ko po malalaman kung kailan ako magsisimula. Kapag nagsimula po ako baka hindi na ako madalas umuwi dito sa bahay. Baka hindi mo po ako palaging makita.” Wika ko kaya ngumiti lang sa akin si ate.
“Ayos lang yun. Basta may work ka na. Alam ko naman na nasa trabaho ka kaya okay lang sa akin kung hindi ka madalas makauwi. Basta mag iingat ka lang do’n, okay? Sabihin mo din sa akin kung may nag aaway sayo do’n ha! Hindi maiiwasan sa trabaho na may bida-bida kaya wag na wag kang magpapatalo lalo na kung hindi naman siya ang nagpapasahod sayo.” Saad ni ate sa seryosong boses na may kasama pang action at may sinusuntok sa hangin.
“Oo na. Alam ko naman yun, ate. As if naman po magpapatalo ako. Mana kaya ako sayo na siga s***h maganda.” Mayabang kong sabi.
“Gaga! Siga lang, wala tayong ganda. Maligo ka na nga! Naaalibadbaran ako sa tuyong laway mo sa gilid ng labi mo.” Aniya kaya napahaplos na lang ako sa gilid ng labi ko habang iniirapan si ate. Pangit talaga niya kabonding.
Inayos ko nalang ang dala niyang pagkain para makapag almusal na muna kaming dalawa saka ako maliligo. Bahala siya kung makita niya ang tuyong laway ko sa gilid ng labi ko. Siya nga lumalabas ng bahay na may maraming muta eh. Kaya patas lang kaming dalawa.