Chapter 6
Cataleen’s Pov
PUMUNTA ako sa kumpanya ni sir Hadeon para ibigay sa kanya ang kontrata. Nagpaalam naman ako kay ate Zephyr kanina na aalis ako. Nasa bahay lang kasi siya at natutulog dahil napagod daw siya. Mamayang gabi pa daw kasi siya aalis kaya magpapahinga na muna daw siya. Hinayaan ko na muna si ate at baka mabawasan ang kagandahan niya kung lagi siyang pagod. Mas maganda pa naman ako sa kanya, kawawa naman kung pumangit siya.
Kabado ako habang nandito ako sa loob ng elevator. Ako lang mag isang nakasakay. Kanina ko pa nga inuusal sa isipan ko kung go o hindi. Bahala na talaga kung ano man ang sapitin ko sa kamay ng kuya ni sir Hadeon. Okay lang sa akin kung pangit man, basta wag lang naman sanang nangangain ng tao.
Bumukas na ang pintuan ng elevator kaya una kong nakita ay ang secretary ni sir Hadeon. Agad akong lumabas at ngumiti ako sa kanya. “Good morning po, Ma’am.” Bati ko sa kanya.
Inayos naman niya ang suot niyang eyeglass at ngumiti din sa akin. “Good morning din, Ms. Fortalejo. Magpapasa ka ba ng kontrata kay sir Hadeon?” Tanong niya sa akin.
“Opo, ma’am. Ngayon ko daw po kasi ibalik ang contract.” Sagot ko at ipinakita ang dala kong brown envelope.
“Sige. Inaasahan niya ang pagdating mo.” Sabi niya at agad niya akong iginiya papunta sa office ni sir Hadeon. Yung kaba ko ay mas lalong lumala. This is it pancit na talaga. Wala ng atrasan ‘to.
Kumatok ang secretary ni sir Hadeon sa pinto habang ako ay nakatayo sa likuran niya. Napahinga pa ako ng malalim habang nagsasalita ang secretary. Binuksan niya ang pintuan at agad na sumilip sa loob. Gusto ko din sanang sumilip pero baka tawagin akong Marites ni sir Hadeon kaya wag nalang pala.
Agad na lumingon ang secretary sa akin at ngumiti. “Pasok ka na, Ms. Fortalejo.” Aniya at malawak niyang binuksan ang pintuan.
“Thank you po, Ma’am.” Magalang kong pagpapasalamat sa kanya saka ako naglakad papunta sa loob ng opisina. Nakita ko agad si sir Hadeon na nakaupo sa swivel chair niya habang busy na busy sa paper works.
Narinig ko naman ang pagsara ng pinto dahil isinara na ito ng secretary ni sir Hadeon. Tinatagan ko na lang ang loob ko habang nakatitig ako kay sir. Iniisip ko nalang ang sahod ko para naman ganahan ako sa trabaho ko.
“Hello po, sir Hadeon. Good morning po!” Bati ko agad sa kanya kaya napatigil siya sa ginagawa niya at agad na isinandal ang likod niya sa upuan.
Tumango lang siya at agad na sumenyas na lumapit ako. Agad ko naman sinunod at lumapit sa harap ng office table niya. “Sit,” aniya sa baritonong boses.
Umupo naman ako agad. “Where’s the contract?” Tanong niya kaya mabilis kong inabot ang hawak kong brown envelope.
“Did you read the rules carefully?” Tanong niya. Mabilis pa sa alas kwarto akong tumango.
“Opo, sir Hadeon. Binasa ko po ng mabuti at ang masasabi ko lang ay marami pong bawal. Kulang nalang ay ilagay mo na bawal din akong huminga sa bahay ng kuya mo.” Wika ko sa pabirong boses.
“Pwede din,” aniya na sinakyan talaga ang sinabi ko.
Binuksan naman niya ang envelope na inabot ko at inilabas ang contract. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng makita niya ang perma ko sa contract. “Good decision, Ms. Fortalejo.” Aniya habang hindi pa rin inaalis ang ngiti sa kanyang labi.
“So, ano na pong mangyayari, sir Hadeon? Ano na po ang sunod kong gagawin?” Tanong ko sa kanya. Aba, ready na ready na kaya akong sumabak sa first job ko.
“Start packing. You're moving into my brother's house now.” Sabi niya kaya agad akong ngumisi.
“Naka impake na po ako, sir no! Nakaready na po sa bahay ang mga gamit ko. Babalikan ko nalang po.” Sagot ko sa kanya.
“Good. Ipapahatid kita sa driver ko. Daanan mo muna ang gamit mo saka ka papatungo sa bahay ng kuya ko.” Aniya kaya natigilan ako. Ito na talaga, pupunta na talaga ako sa bahay ng kuya niya na hindi ko man lang alam kung anong itsura nito.
“By the way, I need you to sign this marriage contract.” Sabi niya saka may inilabas na naman na contract. Inabot niya sa akin yun kaya tinanggap ko naman at binasa ang nakasulat. Doon ay nabasa ko ang pangalan ng kuya niya dahil nga sa marriage contract ngani.
Remus Eleazar Valconeri pala ang pangalan ng kuya niya at magiging asawa ko sa loob ng isang taon. “Nga pala, sir. Sa loob po ba ng isang taon ay Valconeri po muna ang dadalhin kong apelyido? Babalik po ba sa Fortalejo kapag natapos ang contract?” Tanong ko sa kanya habang hindi pa rin pinepermahan.
“Yes. Ako ng bahalang mag ayos no’n.” Sagot niya agad kaya napahinga na lamang ako ng malalim at pinermahan na lamang ang contract marriage kuno namin ng Remus na ‘to.
Nang mapermahan ko ay inabot ko agad kay sir Hadeon. “Nga pala, sir.. pwede po ba ako magtanong?” Sabi ko sa seryosong boses.
“What is it?” Tanong niya habang inaayos ang contract marriage at inilapag sa table.
“Hindi ko po kasi nakita ang mukha ng kuya mo, sir. Ang dami pang bawal at nakakapagtaka din na binigyan mo siya ng asawa kaysa sa maghanap siya ng lovelife niya. Kaya itatanong ko lang po sana kung anong level ang kapangitan ng kuya mo para hindi po ako magulat kapag nakita ko po siya.” Mahaba kong sabi na malakas niyang ikinatawa. Napanguso ako dahil hindi naman ako nagpapatawa eh. Kita niyang seryoso ang mukha ko.
“What the hell, Ms. Fortalejo. Ngayon lang ako natawa ng ganito kalakas.” Sabi niya ng makabawi siya sa pagtawa niya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya niya na nyenyenye pero wag na pala. Naalala ko nga pala na siya nga pala ang magpapasahod sa akin.
“Okay, sasagutin ang tanong mo. Sasagutin ko kung anong level ang kapangitan ng kuya ko. Level 0. Napakapangit niya kaya nagkukulong lang palagi sa mansion niya. Pero wag kang mag alala, hindi naman siya nangangain ng tao.” Sabi niya habang nakangiti kaya nanlaki ang mata ko.
“T-Teka pwede po bang mag back out, sir? Baka lang naman..” hirit ko pa at nagbago na ang isip.
“No! May perma ka na kaya hindi ka na pwedeng umatras.” Sagot niya kaya nagpapadyak ako dahil sa sama ng loob.
“Ang daya naman po kasi, sir. Hindi mo naman po kasi agad sinabi.” Maktol ko. Maiiyak nalang yata ako dito.
“Hindi ka naman nagtanong agad. Wag kang mag alala, hindi ka naman mapapahamak do’n sa bahay ng kuya ko. Kaya umalis ka na para makita mo na ang kapangitan ng kuya ko. Adios!” Sabi niya at sumaludo pa sa harapan ko.
Ang sarap niyang sakalin hanggang sa lumuwa ang mata niya. Kakainis! Wala na tuloy akong magawa kundi ang umuwi sa bahay namin ng ate ko para kunin ang hinanda kong backpack para kunin at lumipat sa bahay ng asawa ko kuno.
Ngunit tinawag ako ulit ni sir Hadeon kaya nagliwanag ang mukha ko dahil sa pag aakala na pwede akong umatras. Ngunit ang walangya ay kinuha lang ang phone number ko at binigay din niya sa akin ang phone number niya para kapag may emergency daw ay pwede daw niya akong tawagan kahit pwede naman sanang sa secretary niya. May binigay din siya sa akin na maliit na sobre na kulay red. Akala ko nga ampao eh. Pero mukhang hindi naman. Mamaya ko nalang bubuksan pag nasa kotse na kami ng sinasabi niyang driver niya.
Pero binigay ko pa rin at ang nilagay kong pangalan sa kanya ay Sinto-sinto. Bagay naman kasi sa kanya dahil sinto-sinto naman talaga siya.
Bagsak ang balikat ko nang makalabas ako sa opisina ni sir Hadeon. Nginitian pa ako ng secretary nito pero hindi ko magawang ibalik ang ngiti dahil nalaman kong pangit ang kuya niya. Hindi ko pa alam ilang taon ang kuya niya. Pero duda ko talaga ay nasa 50 years old na kaya good luck na lang talaga sa akin.
Sinalubong ako ng sinasabing driver ni sir Hadeon. Siya ang magmamaneho para samahan akong kunin ang damit ko sa bahay namin ni ate saka ako ihahatid sa huling hantungan ko. Mukhang mamatay yata ako sa trabaho na papasukan ko. Ito ang una at huli ko yatang trabaho dito sa mundong ibabaw. Napakamalas kong nilalang talaga. May balat yata ako sa pwet kaya minalas ako sa unang trabaho ko. Kasalanan ko din naman dahil nabulag ako sa malaking pera na offer ni sir Hadeon. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera ay hindi ko tatanggapin ang pisteng trabaho na ‘to.
Author's Note: Sa mga bagong readers po dito baka pwede pong pa-add sa library ninyo ang story para mag notif po bawat update ko. Thank you po!