Chapter 18

2495 Words

Kinabukasan ay balik-trabaho na naman ako sa nakasanayan ko na. Habang naglilinis ako ay naalala ko si Atoy. Bigla ko siyang na-miss lalo na ang pang-uukray niya sa akin. Lumabas ako sa terasa sa itaas ng mansion nang makita ko si Atoy na papasok sa loob. Aba, naramdaman yata ang pangulila ko sa kaniya at nandito siya kaagad. Napangiti ako at bumaba na ng mansion para salubungin siya. "Atoyyy!!!!" Napalakas yata ang tili ko nang makita ko siya. Papasok pa lamang siya sa loon ng mansion. Sabik na sabik na akong makita siya. Dali-dali akong lumabas at patakbong lumapit sa kaniya. "Arghh...G-Garlic...maawa ka...h-huwag m-mong p-pilipitin a-ang leeg ko..." garalgal na wika ni Atoy. Sa leeg niya pala ako nakahawak at hindi ko namalayang napahigpit pala ang pagkakahawak ko sa kaniyang leeg.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD