Atoy's POV Hindi ko akalaing maging ganito ang set up ng buhay ko. Ang pangarap ko lamang ay makilala ang tunay kong mga magulang. Nang makilala ko si Sir Doglas bilang tunay kong ama, laking pasasalamat ko sa Diyos ngunit kaakibat nito ang isang malungkot na katotohanan na isa akong anak sa pagkakasala. Bantay-sarado naman ako sa mansion. Hindi ako makagalaw nang maayos lalo na ang paglabas ng mansion dahil gusto ni Sir Doglas na manatili ako rito at maproteksiyunan. Hindi ko alam kung talagang protektado ba ako sa mansiong ito gayong nagkakagulo na. Hindi ko rin nagustuhan ang pagtrato nina Maam Vanilla at Maam Kittie kay Garlic. Minsan, kapag maganda ang modo ni Maam Butter, okay naman siya sa akin kahit kay Garlic, subalit may mga pagkakataong masasakit din na salita ang lumalabas s

