Napanganga ako nang lumabas ng kuwarto dahil andami nang bisita sa labas at sa hardin. Abala na rin si Nay Sofie sa pag-assikaso sa kanila. May mga naka-semi gown ding suot na apat na babae. Dalawa ang malapit sa gate at dalawa rin sa may hardin papuntang handaan. Kulay asul ang suot nilang gown na lampas tuhod. Ang gaganda nila. Sa may mga nakahaing pagkain naman ay may mga dalawang babae ring nakatambay at dalawang lalaki rin na kapwa naka-uniporme ng kulay puting long sleeve at kulay itim na slacks. Nakapusod ang mga buhok nila na tila may nakatabong screen na kulay itim. Ang mga silya ay kaygandang pagmasdan dahil may cover itong telang kulay puti. Ang bawat mesa naman ay may nakapatong na telang inukit na kulay asul. Parang nasa dagat lang kapag pagmasdan at napakalamig sa mata. L

