Lumipas ang maraming taon at ito na ang pinakahihintay kong big moment sa buhay ko. "Ate Sparkle, dalian na po ninyo, aalis na po tayo," sabi ko sa kaniya sabay hablot ng aking shoulder bag at saka toga. "Nandiyan na, Garlic, naku nasaan na ba ang itim kong sapatos," sagot din niyang natataranta dahil hindi niya mahagilap ang kaniyang sapatos. "Bakit, saan po ba ninyo inilagay? Tingnan na lamang po ninyo sa gilid ng ref baka doon mo nailagay kagabi, Ate." Ilang saglit lang din ay suot na ni Ate Sparkle ang kaniyang sapatos. "Halika na, bumaba na tayo," sabi niya habang suot na niya ang kaniyang sapatos. "Sandali, ang bag ko nga pala kukunin ko muna sa loob." Sumakay kami agad sa elevator pababa ng condo. Nag-abang kami ng taxi papuntang school. "Late na ba tayo, Garlic?" tanong sa

