Naghilamos ako kaagad ng aking mukha. Ayaw ko munang makihalubilo sa kanila sa kusina ngunit tinawag ako ni Ate RC. "Garlic halika, pakibalatan mo naman ang sibuyas at saka pakikuha na rin ng apat na itlog sa tray. Pakihiwa na rin ng mga malalaking kamatis na nasa pinggan." "S-sige po, Ate." Kahit ayaw ng ilong ko sa amoy ng ginataang tilapia ay sinunod ko ang utos nito. Bigla akong natuwa nang masulyapan ko ang bagong hugas na ampafree. Magluluto rin pala si Ate Royal ng ginisang ampafree kaya tuwang-tuwang ako. Habang nagluluto siya ay hindi ako umalis sa tabi niya at nakiusap pang mauna akong kumain. "Bigla ka yatang ginutom, ah." "Oo nga po, Ate. Amoy pa lang kasi, ang sarap-sarap na." Nilantakan ko talaga ang ginisang ampafree at takam na takam ako. Inamoy-amoy ko pa 'to na par

