Ilang araw ko nang nararamdaman ang panghihilo at pagsusuka lalo na tuwing umaga. Itinatago ko ito kina Nanay Sofie dahil parang may kutob akong hindi maganda. Ganito kasi ang nangyayari noon kay Inay Consing nang mabuntis siya noon kina Onion at Ginger. "Diyos ko po, totoo kaya itong kutob ko? Paano na kaya ako? Ano ang magiging kapalaran ko kung magbunga nga ang nangyari sa amin noon ni Sir Peanut? Anong mukha ang ihaharap ko kina Itay Bagweng at saka kay Ate Aying?" Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayokong sabihin kina Ate Sparkle at kahit kay Nanay Sofie ang nangyari sa amin noon ni Sir Peanut lalo na at sinabihan ako nito na walang dapat may makakaalam sa namagitan sa aming dalawa. Piling-pili na rin ang mga pagkain na kinakain ko. Ayokong makaamoy ng nilutong isda dahil parang masusu

