Chapter 34

2306 Words

Sinundo na ako ni Atoy sa mansion. Mag-aabang kami ng aming sundong service mula sa AGMA. Isa ito sa mga prebilihiyong ibinigay ng show sa napanalunan ko, ang sunduin at ihatid ako sa pinagtatrabahuhan ko bilang winner ng Maid from the Provinces Show. Gulat na gulat ako sa porma ni Atoy. Nakasuot siya ng puting polo at saka nakasuot ng maong na pantalon. Nakasuot din ng tennis shoes na kulay puti. Hindi ko akalaing ganito rin pala ka-guwapo si Atoy lalo na kapag pormal na nakabihis. Hindi mo masasabing isang basusero lamang ito, dahil kahit anong tago niya sa maruming basura lantad pa rin ang maputi at makinis nitong balat. Mukha rin siyang anak-mayaman kapag ganito ang kaniyang ayos. Napaisip ako tuloy kung saang lahi ba nagmula ang Atoy na 'to. "Atoy, anak! Ang pogi-pogi naman ng anak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD