Agad kaming yumukod sa aming sundo at pumasok din sa loob ng van. Magkatabi pa kami ni Atoy sa upuan sa loob. Ini-interview naman kami ng baklang kasama namin. Siya raw ang organizer ng show. Posturang-postura ang kaniyang aura at tila matatalbugan pa niya ang beauty ko sa dami ng kaniyang mga palamuti sa katawan. "Wow, you're so pretty, Miss Garlic. Hindi kita nakilala kaagad. Bagay na bagay talaga kayo ng boyfriend mong guwapo," turan pa ng bakla habang titig na titig kay Atoy. Kulang na lang yata ay maglambitin siya sa leeg ni Atoy. "Salamat naman po, Sir, Maam Baks." Parang 'di ko alam kung ano ang itatawag ko sa baklang ito. Napagkamalan na talaga kaming mag-jowa ni Atoy. Panay naman ang sandal ni Atoy sa balikat ko dahil tumabi na nga ang bakla sa kaniya at usog pa nang usog sa t

