Chapter 36

2183 Words

Napatakip ako sa aking bibig nang makita ko ang aking Tatay Bagweng. Tumayo siya kaagad at lumapit sa akin. Biglang tumulo ang aking luha, hindi ko inaasahang makita kong muli ang aking itay. "Tay," niyakap ko siya nang mahigpit at saka humagulhol. "Garlic, anak, na-miss kita nang husto, anak ko. Hindi ko akalaing makapunta ako rito sa Maynila at muli kang makita." Hinaplos-haplos niya ang aking buhok. Hindi pa rin ako bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. Sobra akong nananabik sa aking Tatay Bagweng. "Tay, patawarin po ninyo ako. Patawad po dahil hindi ako nagpaalam na aalis at sumama kay Tiya Sonita papuntang Maynila." Pinahid niya ang aking luha. Hinagod niya ang aking mukha at saka nagsimula ring umulap ang mga mata ni Itay. "Salamat sa Diyos at naging mabuti ang kalagayan mo rito s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD