Sa abot ng aking makakaya ay himpit akong nagsusuka. Hindi ko talaga maintindihan ang aking damdamin at nararamdaman. May gusto akong kainin na hindi ko alam kung ano ito. May mga pagkain din sa harapan ko na ayaw ko ang amoy kahit masarap naman. Kapag naiisip ko naman ang manggang hilaw ay kusang tumutulo ang laway ko kahit pa kaharap ko sina Ate Aying. "Garlic, pahiran mo nga iyang laway mo, tumutulo, eh," puna sa akin ni Ate lalo na tila akong natulala sa kaiisip ng mga pagkaing maaasim. "Ha? May gripo yata ang lalamunan ko, Ate," nakangiti ko namang sagot. "Ewan ko sa 'yo, madami ka talagang kalukuhang alam. Siya nga pala, ano nga pala ang plano mo, Garlic? Hindi ka ba sasama sa amin ni Itay pauwi ng probinsiya?" tanong niya sa akin. Natahimik muna ako. Kung tutuusin, puwede na ak

