Perstaym kong umakyat sa itaas ng mansion. Halos maluwa ang aking mga mata sa sobrang ganda, sa may hagdanan pa lamang ay para na akong nasa ibang bansa kahit hindi pa ako nakaapak sa mga iyon. Umalis na ang mga amo ko at nagsipagtrabaho na rin. Si Senyorito Cheesy ay pumunta na rin sa kaniyang school na pinapasukan. Nakita kong umalis na rin kanina si Maam Butter sakay ng kaniyang kulay orange na kotse. Ang ganda-ganda pa niya sa suot niyang hapit na hapit na bestida at binagayan ng mataas na takong na kulay silver na sapatos. Modelong-modelo nga ang kaniyang dating. Ang kaniyang hikaw ay kasinlaki ng hikaw ng kalabaw sa probinsiya kaso nga lang ang sa kaniya ay kumikinang at mukhang mamahalin. "Wow, ang ganda naman ng mansion na ito! Ang gara, sahig pa lang ay parang nasa mall ka na. Te

