Maaga akong nagising dahil sa ingay na nagmumula sa kusina. Agad kong tinupi ang aking kumot at inayos ang aking higaan. Napasarap din ako ng tulog. Pagkalabas ko ay abala na si Ate Royal sa paghihiwa ng mga putaheng lulutuin. Nag-uumpisa na ring naglilinis ng kusina si Ate RC. Abala na pala ang lahat sa kusina. "Good morning po, mga Ateng. Ang aga-aga po pala ninyong nagigising. Saan ba kayo natulog kagabi, sa loob po ng rep?" agad kong bati sa kanila na may halong biro. Napatawa naman ang mga iinumin ay este ang mga ate kong pantulak sa maaga kong bati sa kanila. Ang ganda ng kanilang mga ngiti at tila handang-handa na sa panibagong umaga. "Good morning din sa iyo, Garlic mabuti naman at nagising ka na. Kumusta naman ang tulog mo?" bungad naman kaagad sa akin ni Nay Sofie. "Ay okay l

