Sinabihan ako ni Nay Sofie na tumulong muna sa pagsasaayos para sa hapunan. Alerto naman ako kaagad kung ano ang pinaggagawa niya sa akin. Binigyan din ako ng mga alituntunin ng mga dapat kong gawin. Mabait naman ang mga Ateng sa akin at tinuturuan ako nila ng tamang paglilinis at paglalagay ng mga kubyertos at kung ano-ano pa lali na sa mga gamit sa kusina. Noong una ay talagang nahihirapan akong kilalanin ang ilang mga gamit dahil wala naman ang ito sa bahay namin kaya minsan naloloka ako dahil hindi ko maibigkas nang mabuti ang mga pangalan nito. Nalilito rin ako sa mga pangalan ng mga sangkap na nakalagay sa bote tulad ng chili powder, Italyan erbs, Oregano pleks, kari powder, sinamon powder. Nandito rin kaming magkakapatid, onion powder, ginger powder at saka garlic powder. Hinanap

