"A-Atoy, ano ang ibig sabihin nito ? Ginalaw mo ba si Garlic?" Nakita kong may galit sa mga mata ni Nay Sofie. Alam kong nagulat siya sa naging sitwasyon. Agad namang pumalapit sa akin si Barbara na nanlilisik ang mga mata. Dalawang sampal ang pinakawalan niya sa magkabilang pisngi ko. Sobra akong nagulat at hindi ko inasahang gawin niya iyon sa akin. Nakapanlulumo dahil hindi ko dapat maranasan ang ganito. "Barbara!" Sabay pang awat nina Nay Sofie at Atoy sa kaniya subalit lalo itong lumakas. "Walang hiya ka! Hitad ka talaga, sabi ko na nga ba, eh. Wala talaga akong tiwala sa babaeng ito, katulong na makati!" Naghestirikal na si Barbara at akma pa niya akong sabunutan pero nahawakan siya kaagad sa braso at naawat ni Atoy. "Ano ka ba, Barbara, ha? Bakit mo ginawa iyon kay Garlic?" gali

